"Guro, maaari ko… ba talagang makapaghiganti sa loob ng sampung araw?"
Sa one-to-one na kwarto, si Lu Chong ay lumuhod sa harapan ni Zhang Xuan. Hanggang ngayon, hirap pa din siyang paniwalaan ang sitwasyon.
Nakapasaan ang utang ng pagpatay, hindi pa niya sinasabi sa iba ang pasanin na ito, at hindi pa niya ito ipinapakita sa iba. Para mapigilan niya ang sarili niya na masabi ito sa kanyang panaginip o iba pa, nagpanggap siya bilang pipi. Kumpyansa siya na naitago niya ito ng mabuti.
Ngunit ang Liu laoshi na ito ay nagawang masabi na siya ay nagpapasan ng malaking hinanakit dahil lang sa narinig niya ang mga dati niyang ginawa at ang katayuan ng kanyang cultivation. Ang kanyang kakayahan ay nakakatakot!
Ang importante… pinangako niya sa kanya na siya ay makakapaghiganti sa loob lang ng sampung araw!