Ang kawa ni Mo Yu ay regalo sa kanya ng kanyang guro noong una siyang nakapasa sa 1-star apothecary examination. Kung iisipin, labing walong beses na siyang gumawa ng pill gamit ito, at sa labing walong beses na yun, pitong beses na nagkaroon ng senyales na sasabog ang kawa. Sa tuwing mangyayari iyon, tinutulungan siya ng kanyang guro na pigilan ang malakas na enerhiya mula dito.
At gumawa nga siya ng Ice Soul Pill isang buwan na ang nakakaraan.
Totoo ang lahat ng sinabi ni Zhang Xuan.
Nagawa niyang alamin ang lahat ng ito sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kawa niya? Grabe!
Pakiramdam ni Mo Yu ay nangatog ang buong katawan niya. Para bang nananaginip siya.
"Syempre, mga batayan lang ito. Binibigyan nito ng sukatan ang isang tao kung sasabog ang isang kawa, ngunit hindi ito sapat para malaman kung kailan eksakto ito sasabog, gaano kalakas ang magiging pagsabog, at gaano katagal ang aabutin ng kawa."