Sa mga upuan na inihanda para sa mga guro.
Nakaupo ng maayos sa isa sa mga upuan si Wang Chao na may mayabang na ekspresyon sa kanyang mukha. Ang presensya niya ay parang isang sibat na maaaring tumagos sa kalangitan.
"Mukhang wala na talagang pag-asa si Zhang Xuan. Madalas unang pinapalaban ng ibang tao ang pinakamalakas nilang miyembro sa unang laban, para maipanalo niya ang unang laban at mapalakas ang loob ng kanyang grupo. Pero siya, pinili niyang ilabas ang walang kwentang yun sa pinaka simula. Sumusuko na ba siya?"
Hinaplos ni Elder Hong Hao ang kanyang balbas, natutuwa siya sa kanyang nakikita.
Pagkatapos ibunyag ni Zhang Xuan ang pekeng sangkap na ginamit sa Hongtian Pavilion, humina ang kanyang negosyo. Hindi malayong magsara na ang negosyo niya, at matagal na niyang gustong balatan ng buhay si Zhang Xuan.