Makalipas ang ilang sandali pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay, pagkatapos niyang pagsamahin ang kaluluwa ng dating siya at ang kaluluwa niya, naabot ni Zhang Xuan ang Heart of Tranquil Water.
Mula pa noong una, nakadepende siya sa silid-aklatan para alamin ang mga kamalian at kahinaan ng isang bagay upang matukoy ang puno't dulo ng problema. Hindi niya binigyang pansin ang kanyang kakayahan sa pagtukoy sa katotohanan at kathang-isip. Posible kayang... ang kanyang Heart of Tranquil Water ay hindi State of Insight?
Kung hindi ito ang State of Insight, hindi siya makakakuha ng pagsusulit upang maging isang master teacher. Kung ganun, anong silbi ng pagkakaroon ng napakamakapangyarihang silid-aklatan?
Hindi totoo to...
Halos maluha na si Zhang Xuan.
Ngunit di nagtagal, may naisip siyang isa pang posibilidad.