"Para makakuha ng 2-star master teacher examination, bukod sa pagkakaroon ng dalawa pang katungkulan, kailangan hindi bababa sa Zongshi realm ang iyong cultivation. Sa loob ng maraming taon, marami na tayong pinuntahang mga eksperto upang humingi ng payo tungkol sa ating cultivation, ngunit ganun pa man, hindi natin magawang umusad. Si Yang shi na lang ang tanging pag-asa natin!"
Tumango din si Zhuang Xian.
Kapag naging Zongshi ang isang tao, nadadagdagan ang haba ng kanyang buhay. Ito pa lang ay isa nang bagay na hindi matatanggihan nino man. Dahil matagal na silang napako sa Half-Zongshi realm, napakaraming 2-star master teacher na ang binisita nila, ngunit ganun pa man, hindi nila magawang makausad.
Nitong nakalipas na ilang araw, noong nakita nila si Yang shi na ginabayan ang naghihingalong si Shen Hong upang makausad sa kanyang cultivation, hindi na nila mapigilan pa ang mga sarili nila.