Matapos lamang marinig ang mga salitang iyon naalala ng lahat na hindi pa nailalabas ang konklusyon ng pagsubok sa pagitan niya at ni Lu Xun. Ang lahat ay tumitig kay Elder Tian.
"Ikaw ang nanalo..."
Bumuntong hininga si Elder Tian.
Isang paligsahan sa pagsusuri laban sa gumawa ng larawan?
Kalokohan! Kalokohan ang sabihing talo si Zhang Xuan!
Higit pa rito, sa pagbibigay lamang ng pangalan sa larawan, tumaas ang larawan ng isang lebel.
"Zhang laoshi, ito ang iyong Spirit Calming Tea!"
Dahil nanalo si Zhang Xuan, iniabot ni Tian Gang ang tasa sa kanya. Ang singaw mula sa tsaa ay nanatili sa itaas nito at ang halimuyak nito ay kumiliti sa ilong ni Zhang Xuan. Bago pa ito inumin, guminhawa na ang pakiramdam ni Zhang Xuan at naganahan sa aroma pa lamang nito.
Matapos kunin ang tasa, kung kalian inasahan nilang iinumin ito ng binata at magtatampisaw sa halimuyak nito, ay basta niya lang ibinuhos ang tsaa sa sahig.
Hualala!