"Lu Xun, ano ang iyong ibig-sabihin?"
Nang marinig ang mga salitang iyon, hindi na napigilan ni Huang Yu ang kanyang sarili.
Anong ibig-sabihin mo ng pupunahin? Anong ibig-sabihin mo na dudungisan ang pangalan ng Hongtian Academy?
Inanyayahan si Zhang laoshi ng tatlong master teacher sa pagdiriwang, kaya bakit kung makapagsalita ka ay parang isang kahihiyan na nandito siya?
"Wala akong ibang ibig-sabihin. Hindi dapat pumupunta ang mga tao sa lugar na hindi sila nararapat. Huang Yu xiaojie, alam ko na isa kang assistant master teacher, at ikaw ay lubos na pinagkakatiwalaan at inaalagaan ni Liu shi. Kahit na ganito, hindi dapat matigas ang ulo mo. Ito ay ang pagdiriwang ng kaarawan ni Elder Tian, kaya dapat mas bigyang pansin mo ang iyong mga inaasal! Si Elder Tian ay naging kalahating guro, at kalahating kaibigan ni Liu shi. Kung magdadala ka rito ng isang mababang lebel na guro na may pangit na reputasyon, malaking problema kung gagalitin mo si Liu shi!"