Habang kinukuskos ang pagitan ng kanyang kilay, huminga nang maginhawa si Zhang Xuan.
Matapos ang dalawang araw ng pagpapakahirap, natapos na niyang asikasuhin ang mga problema ng mga naunang nagbayad. Sa wakas, ay wala na siyang gawain.
Halos lahat ng mga taong dumalaw sa kanya ay nagtanong sa kanya tungkol sa kanilang cultivation habang kaunti lamang ang mga may malubhang karamdaman. Gamit ang Library of Heaven's Path at ang mga kaalaman na nakuha niya sa Book Collection Vault ng kaharian, nagawa niyang makita ang kanilang mga mali at nagawang solusyonan ang problema nang matagumpay.
"Dalawang araw na lang ay Teacher Evaluation na. ano na kaya ang narrating ng mga batang iyon sa kanilang pagsasanay..."
Nang tamad na inuunat ang kanyang likod, pumuslit palabas ng mansyon si Zhang Xuan.