Ang ibig sabihin, itong itin na aura na ito ay nakakamamatay na lason na hindi niya kilala.
Ano ba talaga ito?
"Tignan nga natin kung kaya kong tanggalin ito!"
Ng may mabangis na ekspresyon, pinaikot ni Zhang Xuan ang kanyang zhenqi sa loob ng katawan niya.
Kahit na wala siyang ideya kung anong kakayanan meron ang aura ng lason na ito, maaring magdulot ng kapahamakan sa kanya kung hahayaan niya lang. Tutal alam na niya ang tungkol dito, kailangan niyang resolbahin ang problemang ito sa madaling panahon.
Kung hindi, parang may bombang nakakabit na pwedeng sumabog anong oras sa loob niya, hindi siya makakahinga ng maluwag.
Nakasulat ng detalyado paano niya gagamitin ang kanyang zhenqi para tanggalin ang lason at hindi ito mahirap na proseso. Matapos ang ilang sandaling inaayos ang kanyang mga iniisip, na master niya ang kakayahang ito.
Gugugu!