Walang alam sa katotohanan na ang impresyon ni Emperador Shen Zhui at ng tatlong mga master teacher na mayroon sila ay nasira na, si Lu Xun at Wang Chao na patungo sa bahay ni Yang shi, ang kanilang mukha na puno ng saya.
Sila ay kinutya at ininsulto dati dahil sa kulang ang kanilang pera. Ngayon na mayroon na silang tatlong milyon sa kanilang kamay, walang sinoman ang maglalakas loob na humarang sa kanila!
"Mamaya, pagnakita na natin si Yang shi, dumiretso ka na sa iyong pakay. Sabihin mo na gusto nating maging kanyang mga apprentice at pagsisilbihan natin siyang mabuti."
Pinagiisipan na ni Lu Xun ang mga posibleng mga mangyayari kapag nakita nila si Yang shi bago pa ito mangyari, "Para si Liu shi at ang iba ay mamangha sa kanya, naabot niya na siguro ang kahit 2-star man lang o mas mataas pa. Kung mag paligoy ligoy pa tayo, baka mairita pa siya sa atin. Kung kaya, mas mabuti ng maging tapat tayo sa kanya!"