Walang mga mata?
Talaga bang nakalimutan niyang iguhit ang mga ito, o may iba pa siyang nakatagong dahilan?
Ang lahat ay napuno ng pagdududa.
Kahit na sa tao pa o sa mga hayop, ang mga mata anf pinaka kakikitaan ng emosyon. Hindi maituturing na kumpleto ang larawan kung wala ang kanilang mga mata.
Para maabot ng isang hindi kumpletong larawan ang rurok ng ikalawang lebel?
"Brother Zhang, ito ay…"
Nalilitong tumingin si Lu Chen kay Zhang Xuan.
"Oh, ilalagay ko na ang mga mata nila ngayon…" Ngumiti si Zhang Xuan. Muling sumayaw ang mga brush sa canvas, ngayon mabilis niyang inilagay ang mga nawawalang parte ng larawan.
Weng!
Noong sandaling naiguhit niya ang mga mata, tila nagising ang larawan. Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa lahat. Tila nabuhay bigla ang lahat ng mga tao at hayop sa loob ng larawan sa isang iglap, at tila maaaring lumabas sa tunay na mundo ang mga ito anumang oras.
"Ito ay…?"