Habang lumalaki ang kanyang kasikatan, 'Master Teacher Yang Xuan', na isang pagbabalatkayo ni Zhang Xuan, ay nagkaroon ng mas maraming oras para magpahinga.
Kahit na mas maraming mga mayayaman sa Tianxuan City, hindi marami sa kanila ang may kakayahang maglabas ng tatlong milyong ginto sa isang iglap. Higit pa rito, sa kanilang katayuan, kung wala talaga silang malubhang problema na lagpas pa sa kanilang pmamamaraan, hindi na sila mangangahas pa na guluhin ang pahinga ng isang master teacher.
Pagkatapos ang pag-alis nila Guild Leader Ouyang at ni Apothecary Chen Xiao, tumahimik muli ang bakuran.
Pagkatapos magpahinga sa buong hapon at nakitang walang dumating, tinanggal ni Zhang Xuan ang kanyang balatkayo at bumalik sa paaralan.
"Guro, si Huang Yu xiaojie ay naparito upang hanapin kayo at siya ay kasalukuyang naghihintay sa silid-aralan..."
Bago pa siya makarating sa silid-paaralan, lumapit si Yuan Tao at sinalubong siya.