Unang-una, isang guro, ikalawa, isang Fighter 4-dan Pigu realm expert, kahit na hindi natuto ng spearmanship si Zhou Tian, naramdaman niya kung gaano kalakas ang atakeng iyon.
Ang pwersa sa sibat ay napakalakas na siniksik nito ang hangin sa harap nito nsa puntong naglabas ito ng napakalakas na hangin sa paligid. Kahit na hindi ibinaba ni Zhou Tian ang kanyang cultivation, mahihirapan siyang pigilan ang ganitong atake!
Paanong nagkaroon ng ganitong lakas ang isang Juxi realm?
Pakiramdam niya ay nababaliw na siya.
"Zhang Xuan, niloko mo ako..."
Sa saglit na ito, napagtanto niya na nahuli siya sa panloloko ng kalaban.
Kaya pala ganoon kakampante ang taong iyon. Kailan pa naging ganito kalakas si Zheng Yang?
Wala nang oras para mag-isip, hindi na niya pinigilan pa ang kanyang lakas. Kaagad na bumuhos ang zhenqi smula sa kanyang kamay nang sinubukan niyang pigilan ang lakas ng sibat.