Tianxuan Royal City, sa kalooblooban ng Du Clan Residence.
Isang lalaki ang naglakad palabas ng silid na katapat ng isang payapang sapa, na may dalang cooling tea.
Araw-araw pagkatapos manghalian, may nakagawian na siyang gawin at ito ay… ang pag-inom ng cooling tea!
Ito ang oras na pinaka mahinahon siya. Iniutos na niya na wala dapat iisitorbo sa kanya, kahit na ang mismong anak niya.
Dati siyang isang henyo sa Du Clan ng Tianxuan Kingdom, isa sa mga kadidato sa pagiging pinuno ng kanilang angkan. Subalit, isa na lang siyang ordinaryong matanda ngayon.
Si Du Miaoxuan, ang ama ni Du Yuan!
Kahit na bumagsak ng husto ang kanyang cultivation pagkatapos niyang magkaroon ng malalang sakit at humina na ang kanyang kampo dahil sa ilang taon ng pagpapahirap, iginagalang pa rin siya ng mga tao. Walang nangangahas na sumuway sa kanyang mga utos. Walang nangangahas na istorbohin ang kanyang oras ng kapayapaan.