Kapansin-pansin na ang estatwang leon noong una pa lang. Nang masira ito, umalingawngaw ang isang tunog sa hangin na kahalintulad ng tunog ng isang bell, na naging dahilan para mahatak nito ang atensyon ng mas marami pang tao.
"Anong nangyari? May sumira ba sa estatwang leon ni Lord Ling? Ito'y…"
"Yung taong yun… May sakit ba siya?"
"Itinuturing ni Lord Ling na kayamanan niya ang estatwang leon na yun at ilang beses niyang niyayakap ang mga ito araw-araw. Pero, nangahas siyang basagin 'to? Sino ba siya? Pagod na siguro siyang mabuhay!"
…
…
Nagulat ang lahat ng taong naglalakad sa mall.
Bago matapos ang mga pangyayari, lumapit ang isang grupo ng mga pulis na nagpapatrol sa lugar at nang makita nila ang sitwasyon, hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.