Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 120 - Hindi Isang Bagay

Chapter 120 - Hindi Isang Bagay

"Tutal nasagot ko na ang ikalawang katanungan, sabihin mo na ang ikatlo!"

Nang makita niyang sumuko na sa ikalawang katanungan si Jin Chen, hindi na nag-abala pa si Zhang Xuan na isipin ang bagay na ito.

"Tinatanggap ko na ang aking pagkatalo! Itong dalawang 'to na ang pinaka mahihirap na tanong na naiisip ko. Ipapahiya ko lang ang sarili ko kung magtatanong pa ako!"

Umiling si Apothecary Jin Chen.

Nasira ang kumpyansa niya sa sarili nang banggitin ni Zhang Xuan ang pangalan ng napakaraming libro. Alam niya na kapag nagpatuloy pa ang ganito, siya lang din ang mapapahiya. Mas mabuti pang sumuko na lang siya. Sa ganitong paraan mapapanatili pa ron niya ang kanyang dignidad.

"Hindi mo na itatanong ang ikatlong katanungan?"

Nabigla sandali si Zhang Xuan bago niya napagtanto ang sitwasyon.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS