Ang alamin ang mga pinag basehan ng isang kumpletong pill forging technique -- sa pamamagitan ng paghahambing nito -- ay parang paghahalo-halo ng tubig mula sa magkakaibang balon at utusan ang isang tao na alamin ang pinanggalingan ng tubig. Imposible itong magawa!
Imposibleng malaman ng isang tao kung ano ang tatlong technique na pinag basehan niya, maliban na lang kung makikita ng taong iyon kung paano niya ginawa ang pill forging technique na ito. Ang kahirapan ng ipinapagawa ni Cheng Jiang, ay limang beses na mas mahirap kung ikukumpara sa paghanap sa mga mali sa isang pill forging technique!
Naningkit ang mga mata ni Zhang Xuan.
Gaya ng inaasahan sa mga apothecary, hindi sila ganun kadaling talunin gaya ng inaasahan niya.
Mukhang palangiti at mabait ang taong ito. Subalit, yung totoo, siya ang pinaka walang hiya sa kanilang grupo.