Gaya ng sinabi ni Zhang Xuan, may itinatagong galit at pagnanais na pumatay si Meng Yan sa kanyang puso.
Tinraydor din siya ng isang taong pinagkakatiwalaan niya.
Ito ay isang bagay na kaninang umaga lang nangyari. Inakala niya na nawala na ang kanyang galit at hindi niya inasahan na hahalo ang mga emosyon niyang ito sa pill na ginawa niya.
Ngunit… Paano niya nalaman yun?
Sa pamamagitan ng pill na ginawa niya?
Paano nangyari yun?
"Totoo yun?"
"Ano kasi…"
Nang makita nila ang reaksyon ni Meng Yan, kahit na ang pinaka mahina ang utak sa kanila ay alam na totoo ang sinasabi ni Zhang Xuan.
Hindi sila makapaniwala sa nalaman nila at nagkatinginan na lamang.