"Magiging ayos lang kaya si Zhang laoshi?"
Sa loob ng silid-aralan, si Zhao Ya, si Wang Ying at ang iba pa ay nag-aalala na.
Nag-apply si Cao Xiong laoshi para sa isang Enlightenment Will Trial para makaganti kay Zhang laoshi. Kahit na wala pang masyadong nakakaalam ng tungkol dito, bilang mga estudyante niya, may mga narinig pa rin silang balita tungkol dito.
"Huwag kayong mag-alala, nakita mismo natin ang pagtuturo ni Zhang laoshi at lahat tayo ay humanga sa kanya. Napahanga niya din si Liu Yang, kaya imposibleng magkaroon ng problema!" Ang sabi ni Zheng Yang.
Sa limang estudyante na tinanggap ni Zhang Xuan, siya ang pinaka hindi nasiyahan kay Zhang laoshi. Subalit, pagkaraan ng dalawang klase, napahanga na siya kay Zhang Xuan. Ngayon, kahit na gusto pa siyang maging estudyante ni Wang Chao, agad niya itong tatanggihan.
Dahil ganun na nga ang kaso niya, malamang ganun din si Liu Yang.