"Anong problema?"
Nang makita niya ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ni Master Cheng Yuan, yumuko si Ling Tianyu para tingnan ang mga piraso ng stone lion.
Sa bahagi kung saan nahati ang jade, makikita ang mga linya na kulay dugo. Sa ilalim ng repleksyon ng ilaw mula sa kapaligiran nito, mabagsik at nakakatakot ang itsura nito.
Dahil nasa loob ng jade ang mga linyang ito at hindi transparent ang Southern Green Jade, imposibleng makita ang mga ito nang hindi binabasag ang leon.
"Totoo bang Southern Blood Jade 'to?"
Nagdilim ang kanyang mukha. Kahit hindi pa sumasagot si Master Cheng Yuan, alam niya na imposibleng maging Southern Green Jade ang bagay na ito!
Hinampas niya ang stone lion.
Kacha!
Ang natitira sa katawan ng stone lion ay nawasak at nagkalat sa lupa. Pinulot niya ang isang piraso nito at nakita niya ang mga kulay dugong linya.
"Southern Blood Jade nga ito, nagkamali ako sa pagsuri nito!"