"Lolo, narinig ko na ang tungkol kay Clan Head Wang Hong. Kasama siya sa listahan ng Zongshi board at kabilang sa sampung pinaka maimpluwensyang tao sa buong kaharian. Ang cultivation niya ay umabot na sa Fighter 7-dan pinnacle, isang hakbang na lang mula sa Zongshi! Bakit ka naman bibisitahin ng isang taong katulad niya?"
Nagningning ang mga mata ni Shang Bin sa tuwa, kahit na hindi pa rin siya makapaniwala sa sitwasyon.
Sa Tianxuan Kingdom, ang mga nakakakilala sa royal family ay kilala rin ang Four Great Clans. Si Clan Head Wang Hong, ang pinaka malakas sa Wang Clan, ay nakaabot na sa Fighter 7-dan pinnacle at kilala sa iba't ibang lugar ang kanyang pangalan. Karaniwan, imposibleng makalapit sa sa ganitong klaseng tao kahit na gustuhin mo. Pero, ngayon, personal mismong nagpunta dito si Clan Head Wang Hong para lang bisitahin ang lolo niya. Kung hindi niya mismo narinig ang balita, mahihirapan siyang paniwalaang totoo 'to!