Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 66 - Hindi Ito Maaari!

Chapter 66 - Hindi Ito Maaari!

"Sampung puntos lang?"

Hindi lamang naramdaman ni Cao Xiong na nababaliw na siya, kahit si Elder Mo at si Elder Shang Chen ay hindi din makapaniwala at hindi mapigilang mapapikit.

[Ang pagsali sa Enlightenment Will Trial gamit ng ganyang lebel ng tiwala. Maaari ko bang itanong... saan nanggaling ang lakas ng loob mo?

Kung gusto mong kunin ang isang estudyante mula sa kamay ng isang guro, dapat taglay mo muna ang isang hindi napapantayang katayuan sa puso ng isang estudyante. Kung hindi, niloloko mo lang ang sarili mo. Noong una, inisip namin na ang tiwala niya sa iyo ay aabot sa bente. Kahit na hindi ito kalakihang numero, ito pa rin ay nasa katanggap-tanggap na marka. Pero... ano 'to, 10? Sigurado ka bang hindi ka nakikipagbiruan samin!]

Nandilim ang mukha ni Elder Shang Chen. Isang masamang pangitain ang lumitaw sa kanyang isipan.

Hindi kinatatakutan ng isang tao ang malakas na kalaban, ang isang baboy na kagrupo lang. Makikitang lumitaw na ang baboy na kagrupo.

Sa gilid, ang mga sulok ng bibig ni Shang Bin ay ngumiwi at muntik nang tumapon ang bula mula rito.

[Bago kami pumunta rito, kampante mong idineklara mo na si Liu Yang ay may balak na pumunta muli sa ilalim ng iyong pagtuturo. Sa ganitong lebel ng tiwala, pagtuturo kamo sabi mo? Pagututuro mo mukha mo!

Ano 'to! Sinusubukan mo akong lokohin ano!]

"Ano ngayon kung sampu lang ang lebel ng kanyang pagtitiwala sa akin? Si Liu Yang ay may mausisang pagkatao at hindi siya madaling naniniwala sa iba! Maaaring ang lebel ng tiwala niya sa akin ay sampu lamang, pero hangga't bigo ka parin na malampasan ito, ako pa rin ang panalo!"

Pagkatapos ng isang saglit, nakabawi na si Cao Xiong at sinigawan si Zhang Xuan.

"Mausisang pag-uugali? Kung may ganito nga talaga siyang ugali, kung ganon, isa lang ang ibig-sabihin nito!" Tumango si Elder Mo Yang.

Nagkakaiba ang isang tao sa isa't-isa. May iilan na ipinanganak na may tiwala, habang ang iba naman ay ipinanganak na mausisa. Kahit gaano kalapit at kaganda ang relasyong taglay nito sa kanya, hindi niya mapigilang magduda dito sa kanila.

Ito ay may kinalaman sa sitwasyon na kinalakihan nito. Kung siya ay nabuhay sa isang mapanlinlang na lugar na puno ng masaamang balak, hindi magiging madali na makuha ang tiwala niya.

Base sa kanyang paghusga, nagtataglay siguro si Liu Yang ng lebel ng tiwala na mga labimpito hanggang labingwalo para kay Cao Xiong. Ngunit, lumabas na sampu lang ito. Kung totoo na siya ay may mabait na katauhan, nagtutugma nga ang lahat.

"Tama. Hangga't ang kanyang lebel ng tiwala sa iyo ay hindi lumalagpas ng sampu, hindi pa rin malalaman kung sino ang tatawa sa huli!"

Kumislap ang mga mata ni Shang Bin at tumango. Napagdesisyunan niya na muling ibigay ang kanyang tiwala kay Cao Xiong.

Hindi man kilala si Cao Iaoshi sa paaralan, at hindi din siya isang star teacher. Subalit, maraming magagandang komento tungkol sa kanya. Kung itatapat siya kay Zhang Xuan, ito ay parang pagkakaiba ng pagkain at ng tae, sobrang hindi maikukumpara.

Kung si Cao Iaoshi ay mayroon lamang sampung puntos, tiyak na mas malala pa ang resulta ng kay Zhang Xuan!

Sa puntong ito, sinimulang tingnan ng madla ang kabilang bolang kristal.

Hindi pa tuluyang nawawala ang liwanag nito, at ito ay nababalot pa ng manipis na layer ng liwanag.

"Bakit wala pa ang resulta?"

Bahagyang sumimangot si Shen Bi Ru.

"Iba't-ibang illusory realm ang lumilitaw sa mga pagususlit ng Will Inquisition Crystal, kaya natural na ang oras na gugugulin para sa bawat isa nito ay magkaiba rin. Normal lang na ang iba ay mas mabilis kaysa sa iba!" Nang marinig ang mga salita ng Diyosa, humakbang oaharap si Shang Bin at may mukhang may alam, ipinaliwanag niya.

Bilang apo ng pinuno ng Education Bureau, mas may alam siya tungkol sa Enlightenment Will Trial kaysa sa ibang mga guro.

Kadalasan, ang ganitong pagpapasikat ay nakakaakit ng maraming tili, dala na ng kanyang kagwapuhan at pambihirang aura. Kaya lang, nakakalungkot na ang mga paligid ng kanyang mata ay nangingitim sa bugbog at ng kanyang mata ay namamaga at namumula. Ang kanyang bibig ay parang longganisa at hindi gaanong naiiba mula sa kuba doon sa may tore. A totoo lang, ang salitang 'gwapo' ay wala nang kinalaman sa kanya.

"Kung ganon, mas gahanda ba ang mga resulta kung mas mabilis natapos ang pagsusulit, o kung mas mabagal itong natapos?" Hindi pinansin ang kanyang pagpapakaastig, ipinqgpatuloy ni Shen Bi Ru ang pagtatanong.

"Malamang mas mainam iyon! Kung ang trial ay mas mabilis na natapos, iinapakita nito na ang estudyanteng gumagawa ng trual ay nagititiwala sa kanyang guro nang buong puso sa puntong hindi na niya kailangang alalahanina pa ang mga panuto. Sa kabilang banda, kung matatagalan sila sa trial, ibig-sabihin nito na hindi pa pinagkakatiwalaan ng estudyante ang kanyang guro, at isang negatibong marka ang maaari ding lumitaw..."

Habang nasa likod niya ang kanyang kamay, bahagyang ngumiti si Shang Bin. Na may kampanteng mukha, sinabi niya, "Shen Iaoshi, magtiwala ka sa akin. Hindi man ako kumuha ng Enlightenment Will Trial pero nakapagbasa ako ng maraming librong tungkol dito. Para pilitin ni Zhang Xuan si Liu Yang na kilalanin siya bilang kanyang master, malamang na magtatanim siya ng galit sa kanya. Normal lang na makakuha siya ng markang -10 o mas mababa pa..."

Kung kailan siya ay mayabang na nagkukwento, ipinapaliwanag ang dahilan ng teorya kay Shen Bi Ru, nalaramdam siya ng humihila a kanyang damit, inistorbo siya sa pagtatapos na inaasahan niyang mangyari.

"Anong ginagawa mo?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa galit. Mahirap sa kanya ang magkaroon ng pagkakataon na makapagtanghal sa harap ng kanyang Diyosa. Ngunit, may iang taong nang-istorbo sa kanya sa maling oras.

Paglingon niya, si Cao Xiong pala ito.

Sa oras na ito, napuno ng takot ang kanyang mga mata at ang kataan niya ay nangatog nang walang-tigil. Ang kayabangang mayroon siya kanina lang ay tuluyan nang naglaho. Tumuro siya paharap at sinabing, "Shang shaoye, tingnan mo..."

Shaoye -> Young master

Pagtingin niya sa direksyon kung saan nakatutok ang daliri, ang liwanag sa kristal ay tuluyan nang naglaho nang parang bula, at mga linya ng numero ang lumutang sa ibabaw.

"Bakit?" Hindi kaya ang marka niya ay hindi negatibo..."

Sa kalagitnaan ng kanyang pagasalita, tiningnan ni Shang Bin ang mga numero na lumitaw sa kristal at a isang iglap, muntik na niyang makagat ang kanyang dila at magpakamatay.

"Paano ito nangyari? Ito... hindi ako naniniwala!" Malapit nang mabaliw si Shang Bin.

Malinaw na nakapaskil ang mga numero sa bolang kristal ------ 64!

Ibig-sabihin nito na ang lebel ng tiwala sa kanya ay umabot a 64 na puntos!

Ang isang taong nakakuha ng zero na marka sa Teacher Qualification Examination ay nagawang mapaabot ang tiwala sa kanya ng kanyang estudyante sa lebel ng isang Master Teacher, maihahambing sa tiwala ng isang anak sa kanyang magulang... Paano nangyari 'to?

Tumingin si Shang Bin kay Cao Xiong. Sa oras na ito, inisip niyang ptayin ito sa kanyang isipan. Nakaramdam siya ng nakakainis na pakiramdam sa kanyang dibdib at namumuo ang dugo sa likod ng kanyang lalamunan.

Mahirap na makahanap ng pagkakataon na makapagpasikat sa harap ng kanyang Diyosa. Kampante niyang idineklara na ang resulta ng isang tao ay lumalala habang lumilipas ang oanahon, para lang sa isang pangyayari na ito...

[Ano 'to, pinaglalaruan mo ba ako?

Higit pa rito... Cao Iaoshi, pwede bang magkaroon ka naman ng silbi?

Hindi ba sinabi mong mausisa ang pagkatao ng estudyanteng iyon?

Utot mo na mayroon siyang mausisang pagkatao!

Paanong ang isang taong mausisa ay makakapagbigay ng 64 na puntos ng tiwala sa ibang tao?

Hindi ba sinabi mong kampante kang mananalo ka?

10 puntos laban sa 64 na puntos... paano mong binabalak manalo nang ganito...]

Umagos ang mga luha sa kanyang mukha, nakarandam si Shang Bin ng kirot sa kanyang mukha. Ang pakiramdam niya parang walang-awang sinampal ang kanyang mukha ng isang tao nang maraming beses. Sa oras na ito, hiniling niya na makahanap ng butas na mapagtataguan.

"64?"

Iba sa hindi pagkapaniwala at pagkasira ng bait ng dalawa, tumayo si Elder Mo at nanginig sa pagkabigla.

Ang lebel ng kanyang tiwala ay umabot na sa pamantayan ng isang master teacher. Lahit sa kanya, ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng ganitong resulta!

Ang isang taong nakakuha ng pinakmababang marka sa Teacher Qualification Examination ay nagawang makakuha ng ganitong tiwala mula sa kanyang estudyante?

Paano niya nagawa ito?

Higit pa rito... dalawang araw pa lang ang nakalilipas mula nang magpasukan. Kahit na ang Zhang Xuan Iaoshi na ito at si Liu Yang ay nanatiling magkasama sa buong oras, makakakuha lang sila ng pinakamatagal na oras na mga 39 oras lang ng pag-uusap. Sa loob ng maikling oras, ang makuha ang lebel ng tiwala na lagpas sa 60... kahit ang maalamat na 1-star master teacher ay mahihirapan na makamit ang ganitong resulta.

Mayroon ding iba't-ibang antas ng master teacher. 1-star ang pinakamababa sa mga ito.

Kahit na, ang kasikatan at impluwensya na mayroon sila ay sapat para mabaliw ang iba.

"Dalawang elder, maituturing ba 'to na panalo ko?"

Hindi man nabagabag sa natulalang si Shang Bin at Cao Xiong, tinitigan ni Zhang Xuan sina Shang Chen at Mo Xiang.

"Imposible, siguradong may problema sa kristal na bola. Kung hindi, paano siya makakakuha ng isang napakataas na lebel ng tiwala? Hindi ko matatanggap ang resultang ito!"

Ang sigaw ni Cao Xiong.

Hindi nakapagtataka na hindi niya ito matanggap. Parang ang isang pulubi na kanyang nakausap ay biglang isa pa lang emperador. Bilang isang taong nakakuha ng pinakmababang marka sa Teacher Qualification Examination, inasahan niya na ang resulta ay malamang na mauuwi sa negatibo. Ngunit... hindi lang sa hindi ito negatibo, lumabas na ito ay napakataas na 64, daig pa ang lahat ng mga guro sa paaralan. Ang kanyang pag-iisip ay maituturing na malakas dahil hindi pa siya nababaliw sa puntong ito.

"Sumasang-ayon ako sa mga sinasbi ni Cao Iaoshi. Paano siya nakakuha ng ganoong lebel ng tiwala mula sa kanyang estudyante? Kung totoo ito, ibig-sabihin ba nito na kahit si Mu Xun at Wabg Chao ay walang panama sa kanya..."

Humakbang paharap si Shang Bin at sinabi nang nagngingitngit ang mga ipin.

Nang marinig ang salita ng dalawa, may sasabihin sana si Elder Mo nang nakita niya si Liu Yang, na kakatapos lang ng trial, lumapit kay Zhang Xuan na may kumikislap na mata na puno ng paggalang.