Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 432 - Panggugulo sa Kaharian ng Xuanyuan (2)

Chapter 432 - Panggugulo sa Kaharian ng Xuanyuan (2)

Bilang tao na nabuhay sa edad ng impormasyon, si Zhang Xuan ay lumaki ng nareresolba ng mapayapa ang mga bagay bagay. Kahit na napunta sa mundong ito, may parte pa din sa kanya na ayaw kuhanin ang buhay ng iba. Subalit, sino ang makakapagsabi na ang kabaitan ay magdudulot ng kasalukuyang kalagayan ni Lu Chong.

Kung alam niya lang, sana ay inutusan niya si Little Su na ligpitin sila Lin Long at Commander Liang, at ang trahedya ngayon ay hindi sana mangyayari.

"Maghiganti?"

Sumimangot si Mo Yu. "Si Lu Chong ay kailangan maipaghiganti, ngunit… alam mo ba ang kahit ano tungkol sa Xuanyuan Kingdom?"

Umiling si Zhang Xuan.

Bilang mababang ranggo na kaharian, ang Tianwu Kingdom ay wala gaanong impormasyon tungkol sa Xuanyuan Kingdom.

Dahil dito, ang pagkakaintindi ni Zhang Xuan sa Xuanyuan Kingdom ay kakaunti lang. Alam niya ang ilang mga detalye, ngunit ang nilalaman ay sobrang iksi o kulang kapg napunta sa tagong impormasyon.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS