Maraming katungkulan ang meron sa mundong ito at ang pagiging Gourmet ang isa sa mga ito. Ang mga gourmet ay karaniwang ipinapanganak na maselan ang panlasa, at ang kakayahan nilang malaman ang pagkakakiba ng lasa ng mga sangkap ay higit sa kakayahan ng pangkaraniwang tao.
Maaaring di kataasan ang cultivation nila, ngunit may mga hotel at tavern na kumukuha sa kanila na mataas ang pasahod para lang alamin ang epekto at lasa ng kanilang mga sangkap.
Subalit, ang katungkulang ito ay isa sa mga hindi masyadong kilala at itinuturing na isa sa Lower Nine Paths.
Meron iilang libong katungkulan sa mundong ito. At para madaling malaman ang pagkakaiba ng mga ito, hinati ang mga ito sa Upper Nine Paths, Middle Nine Paths at Lower Nine Paths.
Apothecary, blacksmith, formation master at ilang kahalintulad na trabaho, na nagbibigay benepisyo sa battle techniques at cultivation, ay itinuturing na kabilang sa praktikal na Upper Nine Paths. Sa kabilang banda, ang pagiging gourmet ay maituturing na di pangkaraniwan, kaya ito ay itinuring na isa sa Lower Nine Paths.
Kung susundan ang pananaw ni Shen Bi Ru, na kung papaano inisa-isa ng binata ang mga kakulangan ng mga putahe at alak, ay marahil isa siyang gourmet.
"Kung yan ang sa tingin mo!" At hindi na nagpaliwanag si Zhang Xuan.
Ang Library of Heaven's Path ay higit pa ang nagagawa bukod sa pagpapakita ng cultivation ng isang tao. Basta't natikman na niya ang putahe, ang mga kakulangan nito ay lalabas na sa library. At dahil dito, madali na lang niyang naayos ang suliranin kay Manager Wu.
"Maraming salamat sa tulong mo..."
Nang marinig niyang umamin si Zhang Xuan, pinasalamatan siya ni Shen Bi Ru.
Kung hindi dahil sa kakayahan ng binatang ito na kumilatis ng iba't ibang putahe, malamang napahiya siya ngayong araw.
"Wala yun!" sabay kumpas ni Zhang Xuan ng kanyang kamay.
"Inayos mo ang problema kanina lang, kaya hindi ko maituturing na nailibre kita. Kaya ililibre kita uli sa sususnod." Sabi ni Shen Bi Ru.
"Ililibre mo uli ako?" Napaisip si Zhang Xuan at napailing. "Mas mabuting huwag na lang, mahalaga pa para sakin ang buhay ko!"
Maaari ngang masayang makakain kasama ang isang magandang binibini, ngunit kilala niya ang sarili niya. Dahil sa kanyang reputasyon, baka nasabi lang ni Shen Bi Ru ang mga ito bilang paggalang sa kanya kahit na ayaw naman talaga ng binibini!
Hindi lang iyon, kaiinggitan pa siya ng ibang tao. Kung ganun, kailangan niyang mag-isip ng mga paraan kung papano niya haharapin ang mga manliligaw ni Shen Bu Ru. Subalit, marami pa siyang kailangang asikasuhin sa kasalukuyan at wala siyang panahon para sa mga ganitong bagay.
"Ikaw..."
Kung kelan niya inakalang kayang makipag-usap ng maayos ni Zhang Xuan, ay saka naman niya narinig ang mga salitang ito at nakaramdam muli ng paninikip ng kanyang dibdib si Shen Bi Ru dahil sa sobrang galit.
Maraming tao na ang nagyaya sa kanya upang lumabas at kumain, ngunit tinatanggihan lamang niya ang mga ito. Ngunit, nang siya na ang kusang nag-alok kay Zhang Xuan, pakiramdam niya ay nagmamakaawa siya sa isang matandang matigas ang ulo.
[Kasuklam-suklam!]
"Tutal, nakakain naman na tayo, at kung wala naman ng iba, mauuna na 'ko. Madami pa akong kailangang gawin!" Dahil wala siyang alam sa galit ni Shen Bi Ru, siya ay kumumpas at naghanda nang umalis.
"Sandali lang, hindi pa ako tapos!" Dahan-dahang huminga si Shen Bi Ru upang mapakalma ang sarili at tumingin siya kay Zhang Xuan. "Natulungan mo man ako sa problema ko kanina, at malaki ang naging papel ng pagiging gourmet mo, ngunit… Sa huli, isa pa rin itong di pangkaraniwang larangan. Kung sabagay, ang isang Fighter ay dapat na nakatuon sa kanyang pagsasanay..."
Ang isang Fighter, pagkatapos nilang mag-cultivate sa isang realm, ay kayang tumagal kahit na hindi kumakain, kaya walang silbi ang pagkain para sa kanila. Kahit na kumita siya sa larangan na ito ngayon, hindi pa rin ito ang dapat niyang tinatahak.
Pagkatapos niyang makipag-usap kay Zhang Xuan, nalaman ni Shen Bi Ru na hindi naman totoo ang mga sabisabi na siya ay walang kwenta. Posibleng nakatuon lamang siya sa pag-aaral niya ng pagkain, kaya siya nakakuha ng mababang marka sa kanyang Teacher Qualification Examination.
Pagkatapos niyang mag-isip, sa kabila ng kanyang matinding galit, ay pinayuhan pa din niya si Zhang Xuan.
"Sige!" Dahil alam niyang maganda ang intensyon ni Shen Bi Ru sa mga sinabi niya, tumango na lamang si Zhang Xuan. Papaalis na sana siya nang marinig niya ang tunog ng mga yabag mula sa kanilang likuran. .
"Zhang Xuan, tingnan natin kung saan ka lulusot! Huwag mo nang pangarapin na makakatakas ka pa ngayon!"
Kasunod nito, umalingawngaw ang isang nagngangalit na boses. Dalawang lalaki at isang beast ang humarang sa kanyang dinaraanan.
Sila ay sina Shang Bin at Cao Xiong.
Sa mga oras na ito, may bakat ng malaking paa ang kanilang mga mukha. Namamaga ang kalahati ng kanilang mukha at duguan naman ang kanilang mga bibig. Ni bahid ng kanilang kakisigan ay walang natira.
Lalong lalo na si Shang Bin. Ang kanyang mga sugat na natamo niya simula kaninang umaga ay hindi pa humihilom hangang ngayon, tapos nasipa pa siya ng malakas sa kanyang mukha. Sa puntong ito, tumabingi ang kanyang bibig at namamaga ang kanyang mga labi, kaya nawala ang kanyang kagwapuhan.
Pinagplanuhan niya ang lahat upang makapagpasikat sa harap ni Shen Bi Ru. Sinong mag aakala na bukod sa pumalpak siya, ay nabugbog pa siya ng sobra sobra at pati ang koneksyon niya sa Hongtian Pavilion ay nasira dahil dito. At kung lumala pa ang sitwasyon, ay posibleng kapunin siya ng kanyang lolo. Papaano niya tatanggapin ang kahihiyang ito?
Habang naiisip niya ito, lalo siyang nagagalit. Kaya naman, sinugod niya si Zhang Xuan!
"Shang Bin, anong binabalak mo?" Hindi inaasahan ni Shen Bi Ru na hahabulin sila ni Shang Bin upang manggulo. Humarang siya sa harap ni Zhang Xuan upang protektahan ito mula kay Shang Bin.
"Shen laoshi, huwag mo akong harangan! Sa pagitan lang namin ito ni Zhang Xuan!"
Malaking bagay na kay Shang Bin ang hindi makita si Shen Bi Ru, ngunit nang makita niyang pinoprotektahan ni Shen Bi Ru ang tanyag na basura ng akademya, ay naningkit ang mga mata niya at lalong tumabingi ang bibig niya sa sobrang galit.
Hindi na siya makapag-isip ng tama dahil sa sobrang inggit. Tinitigan niya nang masama si Zhang Xuan at sumigaw ng, "Zhang Xuan, kung tunay kang lalake, labanan mo ako ng patas! Huwag kang magtago sa likod ng isang babae!"
Nang makita niyang wala na sa katinuan ang kausap niya, nanlaki ang mga mata ni Zhang Xuan at sinabing, "Ano ngayon kung nagtatago ako sa likod ng isang babae? Parte ito ng aking kakayahan. Kung may kakayahan ka, maghanap ka din ng mapagtataguan mo!"
"Ikaw ..."
Muntik nang sumuka ng Dugo si Shang Bin.
Kapag ang isang lalake ay sinabiahan na isa siyang duwag na nagtatago sa likod ng isang babae, di ba dapat mapapahiya siya at lalaban para sa kanyang dignidad?
[Bakit hindi ko maintindihan ang taong ito?
Papano niya nasasabi ng ganito ang isang nakakahiyang bagay?
****, papaanong may taong ganito kakapal ang pagmumukha?]
"Shen laoshi, ikaw na ang bahala sa dalawang ito. May kailangan pa akong asikasuhin kaya mauuna na ako!"
Bilang isang transcender, ano pa ba ang hindi niya nakita? Makapal ang mukha?
Kalokohan. Sa dati niyang buhay, sa tinatawag na information era... Meron ka bang nakitang tao na hindi walang hiya?
Wala siyang panahong problemahin ang isang problema na inaayos na ng iba para sa kanya.
Hindi dahil sa takot siya. Bagkus, hindi pa ito ang tamang oras para ipakita niya ang lebel ng kanyang cultivation. Higit sa lahat, isang elder ang lolo ni Shang Bin. Kung siya ay maharap sa isang problema, masasayng ang oras ni Zhang Xuan para lutasin ito. Dahil meron namang sumalo para sa kanya, masaya siya dahil makakaiwas siya dito.
"..."
Nang makita niya kung gaano kawalang hiya si Zhang Xuan, hindi nakakibo si Shen Bi Ru.
Kanina lang ay nag-aalala pa siya na baka magpadala si Zhang Xuan sa mga pang-uudyok ni Shang Bin at makipaglaban siya dito. Ngayon, tila masyado lang pala siyang nag-aalala...
Kung madaling madala sa pang uudyok ang taong 'to, ibig sabihin kahit baboy ay kayang umakyat sa puno!
"Sandali lang Zhang Xuan! Kung hindi kita mapapatay ngayon, hindi na ako maaring tawaging Shang Bin!"
Nang makita niya ang inaasal ni Zhang Xuan, lalong nagalit si Shang Bin. Naglabasan ang mga ugat sa kanyang sentido at nagkulay berde ang kanyang mukha. Nang makita niyang walang balak si Shen Bi Ru na padaanin siya, sumigaw siya ng, "Sky Shattering Lion, patayin mo sya! Kapag ginawa mo yun, dadalhan kita ng masasarap na pagkain araw-araw! Higit pa dito, ibibigay ko sa iyo ang [Acupoint Soothing Pill] na ipinangako sa akin ng aking lolo!"
Bilang isang tier 6 savage beast na napaamo ng isang tao, ang Sky Shattering Lion ay may kakayahang makaintindi ng salita ng tao.
Bilang alaga ng kanyang lolo, hangga't malayo sa kapahamakan si Shang Bin, wala siyang pakialam sa kahit anong iutos nito. Para lang mapakilos ito, pinangakuan niya ito ng kung ano-anong bagay.
"Roar!"
Kumislap ang mga mata ng Sky Shattering Lion ng marinig ang mga pangako ni Shang Bin para sa kanya.
Ang isang Savage Beast na nakaabot na sa Pixue realm, di tulad ng tao, ay walang kakayahang gamitin ang daloy ng zhenqi upang buksan ang kanilang acupoints. Umaasa lamang sila sa pagpapalaki ng kanilang katawan upang lumakas. Kung makakain nito ang Acupoint Soothing Pill ay lalakas pa itong lalo!
Ang Acupoint Soothing Pill ay isang pill na ginawa para sa mga Fighter 6-dan expert. May kakayahan itong pakalmahin ang mga acupoint ng isang tao, dahilan upang sila ay makausad pa sa Pixue realm.
Sa mga oras na ito, si Shang Bin ay isa nang Fighter 5-dan Dingli pinnacle, isang hakbang na lang mula sa Pixue realm. Kaya, gumastos ng malaki si Elder Shang Chen para lang makuha ito, upang makatulong sa kanya.
Noong una, nagdadalawang isip si Shang Bin na ilabas ito. Subalit, kapag naaalala niya na ipinahiya siya ni Zhang Xuan, ay hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon!
Kapag hindi niya napatay si Zhang Xuan ngayon, ikinakatakot niya na baka hindi na niya mapanghawakan ang kanyang dignidad sa akademya.
Lalo na para kay Shen Bi Ru, baka ni titigan lang man siya ay hindi na gawin nito!
Papaano niya matitiis ang sitwasyon na ito!
"Shang Bin, ano ang binabalak mo? Ang pagpatay ng kapwa mo teacher sa loob ng akademya ay isang mabigat na krimen. . ."
Hindi inaakala ni Shen Bi Ru na uutusan ni Shang Bin ang Sky Shattering Lion na kumilos. Naningkit ang mga mata ni Shen Bi Ru. Gusto niyang tumakbo kay Zhang Xuan upang protektahan ito, ngunit naharangan siya ni Shang Bin. Sa kanyang pagkataranta ay nasigawan niya ito.
Mahigpit na ipinagbabawal na pumatay ng kapwa teacher sa loob ng akademya. At ang paggawa nito ay isang paglabag sa panuntunan ng paaralan at isang mabigat na krimen.
"Si Zhang Xuan ang gustong pumatay sa akin. Para protektahan ako, inatake siya ng Sky Shattering Lion. Dinepensahan ko lang ang sarili ko, ano ang masasabi ng iba tungkol dito?" Namula ang mga mata ni Shang Bin sa kabaliwan. Isinigaw niya, "Sky Shattering Lion, ano pa ang hinihintay mo? Gawin mo na!"
"Ikaw..."
Nakaramdam ng panlalamig si Shen Bi Ru.
Napaka walang hiya!
Kung gagamitin nga niya iyon bilang katwiran, at sa tulong ni Elder Shang Chen, ay maari nga siyang makalusot! Posible din na tuluyan siyang mapawalang sala!
Maari ngang mapatay si Zhang Xuan dito!
Kunsabagay, isa itong tier 6 savage beast. Ang isang normal na Pixue realm expert ay walang laban dito. Papaano tatapatan ng isang taong nakakuha ng pinakamababang marka sa Teacher Qualification Examination ang isang savage beast?
"Roar!"
Habang naguguluhan si Shen Bi Ru, saka naman umatungal at umatake ang Sky Shattering Lion. Bago pa man ito makalapit, ang malakas nitong aura ay gumawa ng isang napakalakas na ihip ng hangin na nagpayuko sa mga dahon at puno sa paligid.
------
Ang Nine Paths na kilala din bilang Three Teachings and Nine Paths.
Ito ay isang tunay na terminolohiya na ginagamit upang uriin ang mga trabaho sa sinaunang China.
Sa madaling salita, ito ay ang Upper Nine Paths, Middle Nine Paths at ang Lower Nine Paths ng sinaunang China at ang bawat isa nito ay tumutukoy sa isang katungkulan.
Ilan sa mga halimbawa ng mga katungkulan sa sinaunang China na nakapaloob sa Upper Nine Paths ay ang mga sumusunod:
Emperor, Saint, Secluded Master, Oracle, Scholar, Warrior, Farmer, Worker, Merchant (At sila ay nakahanay mula |Pianaka mataas <-> pinaka mababa|)
Katulad din nito, ang Middle Nine Paths at Lower Nine Paths ay mayroon ding nakapaloob na mga katungkulan.
Ang Three Teachings ay tumutukoy sa Confucianism, Daoism (or Taoism) at Buddhism.
Tandaan na merong iba't ibang interpretasyon/bersyon ang Nine Paths at ang karamihan sa mga ito ay nakalagay ang Buddha sa unahan ng listahan.