Ang sugat ni Zhao Ya ay higit na mas malubha sa inaasahan nila. Kung hindi dahil sa kanyang matibay na pangangatawan, maaaring hindi siya nakaligtas sa paglalakbay pabalik.
Hindi inasahan ni Liu ling na mayroong mapupuruhan nang sobra sa pagpunta sa paaralan. Sa pagkagulat, nagmadali siyang pumunta sa kanila.
"Anong nangyari?"
"Napuruhan siya ng isang kasuklam-suklam na babae. Liu shi, pakiusap iligtas mo siya!" ang sabi ni Zheng Yang.
"Un!" matapos tingnan ito, huminga nang maluwag si Liu Ling. "Ang kanyang zhenqi ay nasa magulong kalagayan dahil sa mga matinding pag-alog. Hindi ito isang malaking problema, gagaling siya matapos ang kalahating buwan ng pagpapahinga."
"Kalahating buwan? Hindi ito pwede. Kailangan niyang kalabanin ang babaeng iyon muli makalipas ang tatlong araw..."