Hindi nagtagal mula noong lumabas sina Mu Xueqing at ang iba sa silid, umalis din si Zhang Xuan.
Upang pataasin ang cultivation ni Lu Chong sa pinakamaikling panahon, kinailangan niyang bumili ng sapat n mga halamang gamot upang gawin ang lason. Imposible para sa kanyang makuha ang mga halamang gamot sa paghihintay lamang sa paaralan.
"Mayroon lamang dalawang mapagkukuhanan ng mga halamang gamot. Ang herb kings at ang Physician Guild!"
Nag-isip si Zhang Xuan habang naglakad siya paharap.
Ang herb kings ay tumutukoy sa kabuoan ng nagtitinda ng mga halamang gamot, at ang Great Herb King at ang Red Lotus City ang pinakamalaking nagtitinda sa labintatlong nakapaligid na mga kaharian.
"Kung mayroong herb king ang Tianwu Royal City, hindi na sana nagpakahirap pa sina Bai Chan at ang iba na pumunta pa sa Red Lotus City upang bumili ng mga gamot... dapat akong tumungo sa Physician Guild!"