Chereads / Library of Heaven's Path (Tagalog) / Chapter 278 - Sa Pagkakataong Ito, Patay na Talaga Tayo

Chapter 278 - Sa Pagkakataong Ito, Patay na Talaga Tayo

Di gaya ng Tianxuan Royal City, ang lungsod na ito ay binuo gamit ang mga kulay pulang brick, at kakulay nito ang buong Red Lotus Ridge, dahilan upang magmukha itong sinauna. Kung titingnan ang lawak nito, mas maliit ito at hindi maikukumpara sa Beast Hall.

"Ang Red Lotus City ay mas matanda kaysa sa Tianwu Kingdom. Sinasabing mayroon itong higit sa tatlong libong taon na kasaysayan, at dito nagaganap ang kalakalan ng mga halamang gamot sa ilang dosenang mga bansa sa Tianwu! Subalit, dahil sa impluwensya ng Poison Hall, walang nais magtagal sa lugar na ito. Dahil dito, bumaba ang kabuhayan dito, at ngayon hindi na nito kayang pantayan kahit ang mga mahihinang lungsod."

Nagpaliwanag si Mo Yu.

Ang Red Lotus City ay sakop ng Tianwu Kingdom, at bilang prinsesa ng Tianwu Kingdom, alam ni Mo Yu ang tungkol dito.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS