"Si-sige!"
Dahil hindi niya gustong makipagtalo pa sa binata, agad na iniabot ni Hu Xiao maging ang kanyang storage ring.
Binura ni Zhang Xuan ang Soul Imprint sa storage ring upang tingnan ang mga nilalaman nito bago siya kuntentong tumango.
Gaya ng inaasahan sa isang Conferred God King, may ilang mga magagandang gamit sa loob nito. Kahit na wala man itong silbi para sa kanya, maaari itong magamit ng kanyang ga magulang, ni Luo Qiqi, at ni Sun Qiang.
"Pwede ka nang umalis," Ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay.
"Elder, salamat sa hindi pagkitil sa aking buhay…"
Pagkatapos niyang lumuhod sa lupa, agad na kumaripas ng takbo si Hu Xiao.
Naunawaan niya na ang Flooding Sea ay isang lugar na sumusunod sa batas ng kalikasan. Maaaring nakuha sa kanya ang lahat ng kanyang mga pag-aari, ngunit maaari pa rin niyang mabawi ang mga nawala sa kanya hangga't nabubuhay siya!