Ibinuhos ng kanyang dating sarili ang lahat ng kanyang tiyaga at atensyon sa pagpapataas ng kanyang cultivation realm, kaya nagawa niyang umabot ng Zhenqi realm sa napakamurang edad. Sa gayon, hindi pa niya naaral ang spearmanship.
Natural ang kanyang kasalukuyang sarili ay isang tunay na tigalupa at wala ring alam tungkol dito.
"Hindi mo pa ito nalalaman?" napaatras si Wang Chong.
Kung hindi pa niya naaaral ang spearmanship, anong pananaw ang kanilang maipagpapalit?
Isang kakibang ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Ouyang Cheng.
Nang marinig na gustong matuto ni Zhang Xuan ng spearmanship, naisip niya na siya ay nagtataglay ng kahit paanong lebel ng pundasyon sa sining na ito. Ito rin ang dahilan kung bakit niya ito tinawag na palitan ng pananaw sa halip na pagkatuto mula sa kanya. Sa ganitong paraan, may mananatili pang dignidad kay Zhang Xuan, ang… maisip na hindi pa niya napag-aaralan ang spearmanship!
Nakakailang!