Pagkatapos niyang basahin ang nilalaman ng libro ay huminga ng malalim si Zhang Xuan.
Saglit muna siyang nag-isip bago nagtungo sa isang sulok ng silid para umupo sa lapag.
Ilang saglit lang, lumapit ang kanyang clone at nagugugluhang nagtanong, "Anong ginagawa mo?"
Lumingon si Zhang Xuan at sumagot nang may namumutlang mukha. "Tuwing mayroon akong tanong na hindi ko mahanapan ng sagot, madalas akong umuupo sa isang sulok para pag-isipan ang mga sikreto ng sansinukob at ang kahulugan ng buhay."
"Pag-isipan ang mga sikreto ng sansinukob? Kahulugan ng buhay?" Naguluhan ang clone ni Zhang Xuan.
Kailan nakaroon ng ganitong kakayahan ang kanyang pangunahing katawan?
Bakit hindi niya alam ito?
Kaya kahit na hindi niya alam kung ano ang binabalak ng kanyang pangunahing katawan, nararamdaman niya na mayroon siyang dahilan sa kanyang mga ginagawa. Kaya, nagpasya siya na huwag mangialam.