Kumunot ang noo ni Zhang Xuan.
Ang utak ang sentro ng kontrol ng isang katawan. Kahit na nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga parte sa ngayon, nanatili pa rin ang awtoridad ng utak sa ibang mga parte ng katawan. Sa ibang salita, kahit na mas malakas ang Vicious sa Book of Heaven's Path kumpara sa isa pang Vicious, wala pa rin itong magagawa kundi sumunod dito.
Higit pa roon, kahit na napaklimitado ng lakas na tinataglay ng utak, ang matinding dami ng kaalaman na tinataglay nito ay nagbigay rito ng maraming mga paraan, kaya isa itong nakakatakot na kalaban.
Ang isa pa, dahil sa mga pamamaraan ng isa pang Vicious kaya niya naging kakampi ang Qingtian Emperor, makontrol ang napakaraming mga Soulless Metal Humanoid nang sabay-sabay, at gumamit ng mga soul art nang napakahusay na kaya nitong agawin ang kaluluwa ni Zhang Xuan.