Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 996 - Devious Wyvern (2)

Chapter 996 - Devious Wyvern (2)

Ang Devious Wyvern ay matagal ng nasa kamay ni Lin Que at matapos ang matagumpay na

pagpapaamo dito ay ibibigay niya ito bilang regalo sa taong iyon. Ngunit ang Devious Wyvern

ay lumabas na sa Spirit Beast Arena at iyon ay isang bagay na hindi mapaniwalaan.

Ang mga tao na may awtoridad na ilabas ang Devious Wyvern bukod kay Lin Que mismo ay

ang kaniyang anak, si Lin Feng!

Ang poot na naramdaman ni Lin Feng laban kay Jun Xie ay nagsimula nang dumating si Jun Xie

sa Thousand Beast City. At ngayon na ang pinakamalapit na kaibigan ni Lin Feng na si

Shanggum Miao na halos kapatid na ang turing niya ay malunbhang napinsala dahil kay Jun

Xie, si Lin Feng ay dumating na sa punto na nais niyang maghigante kay Jun Xie kaya pangahas

niyang inilabas ang dakilang Devious Wyvern sa away.

Ang Spirit Beast Arena ay may kontrol lamang kung ang kalahok ay nagtataglay ng Spirit Tamer

Bracelet at hindi nagbigay ng limitasyon sa uri ng Spirit Beast na lalaban.

At dahil ang tungkol sa Devious Wyvern ay mahigpit na inilihim, ang mga tao mula sa Spirit

Beast Arena ay hindi ito nakilala.

Alam ni Qing Yu ang lahat tungkol doon ngunit hindi niya maaaring ibunyag ang impormasyon

tungkol doon sa publiko. Dahil iyon dapat ay hando sa taong iyon at kung ipapaalam ito

ngayon, ang taong iyon ay maaaring kumilos agad.

"Ganoon ba?" wala sa loob na sagot ni Jun Wu Xie.

Napansin ni Qing Yu na wala man lang pag-aalala si Jun Xie at lalo siyang nabahala dahil doon.

"Ang Devious Wyvern ay nasa kamay na ni Lin Que ng sobra sa isang tao at maaaring nagpalit

na muli ito ng kaniyang kaliskis simula nung huling mabalitaan ko ang tungkol doon. Young

Master Jun, walang punto na ipagpatuloy mo pa ang laban na ito."

Hindi sumagot si Jun Wu Xie. Anuman ang naisip ni Qing Yu, si Jun Xie ay natural gagawin pa

rin ang sinabi niya.

Ang paglabas ng Devious Wyvern ay walang duda na isang paghihiganti mula sa isang bata,

ngunit…

Mali ang kinalaban niya sa pagkakataong iyon!

Hindi sumagot si Jun Wu Xie kay Qing Yu at inisip ni Qing Yu na sa wakas ay napag-isipan na ni

Jun Xie ang bigat ng sitwasyon at ngayon ay pinag-iisipan iyon, kaya naman siya ay nakahinga

ng maluwag.

Bumalik na sa kaniyang silid si Jun Wu Xie at tinitigan niya ang Sacrificial Blood Rabbit at Lord

Meh Meh na kasalukuyang nagkakagulo sa higaan, ang kilay niya ay nagsalubong na naging

dahilan kaya nabuo ang isang simangot sa kaniyang mukha.

"Meh!"

[Lumayas ka, ikaw na mapanlinlang na kuneho! Teritoryo ito ni Lord Meh Meh!]

"Puu!"

[Walang kabuluhan! Ito ay lungga ng Mistress!]

Ang dalawang hayop na matigas ang mga ulo ay hindi ginamit ang kapangyarihan nila bilang

mga Guardian Grade Spirit Beast at ginagamit lamang ang ksalukuyan nilang mga munting

katawan sa pag-aaway. Kinakagat ni Lord Meh Meh ang tainga ng Sacrificial Blood Rabbit

habang kinukutkot ng bibig ng Sacrificial Blood Rabbit ang matabang buntot ni Lord Meh

Meh…

"Ehem." mahinang umubo si Jun Wu Xie. Nang makita ng dalawang matigas na ulong mga

hayop na naroon na si Jun Wu Xie ay mabilis nilang binitawan ang isa't isa. Para bang

dalawang paslit na may nagawang kasalanan, ay mabilis silang nagpuntahan sa magkabilang

dulo ng higaan at malungkot na niyuko ang kanilang mga ulo, hindi makatingin ng diretso sa

mga mata ni Jun Wu Xie.

Alam na alam nilang mahigpit na ipinagbawal ni Jun Wu Xie na mag-away silang dalawa.

"Alam mo ba yung tungkol sa Devious Wyvern?" nilingon ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh

upang tanungin.

Itinaas ni Lord Meh Meh ang kaniyang tingin, blanko ang mukha, halatang wala itong

nalalaman tungkol doon.

Maaaring hindi rin alam ng Sacrificial Blood Rabbit ang tungkol doon at nanatili lang itong

nakatayo doon, ang bilugang mga mata ay nakatingin kay Jun Wu Xie, ginagawa ang lahat para

magmukha itong kaakit-akit.

Inisip mabuti ni Jun Wu Xie ang lahat ng sinabi ni Qing Yu sa kaniya at kahit na nagpalit na ang

Devious Wyvern ng kaniyang kalskis sa ikatlong pagkakataon, ay magiging Guardian Grade

Spirit Beast pa rin ito kalaunan. At para kaya Lord Meh Meh, iyon ay hindi mabibilang na

sobra.

Ngunit para sa kaligtasan nito, tinanong pa rin ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh kung gaano

kalaki ang pag-asa na matatalo niya ang taguyod na Guardian Grade Spirit Beast.

Ang inakala ni Lord Meh Meh ang tinutukoy ni Jun Wu Xie sa kaniyang tanong ay ang Sacrificial

Blood Rabbit kaya madali niyang inilabas ang kaniyang munting dibdib at mayabang na sinabi

sa mapagmataas na tono.

"Meh!"

[Kayang kaya ni Lord Meh Meh kahit sampu pa sila!]

Dahil sa sagot ni Lord Meh Meh, ang pag-aalala ni Jun Wu Xie ay napalis na.

Kinabukasan ng umaga, ang inaakala ni Qing Yu ay hindi tutugon si Jun Xie sa hamon ngunit

nalaman niya na nakaalis na ng clan hall si Jun Xie dala si Lord Meh Meh ilang sandali bago siya

dumating. Lahat ng kapatid mula sa Fiery Blaze Clan na nakakita sa bata ay sinabi sa kaniya na

ang bata ay papunta sa direksyon ng Spirit Beast Arena!

Related Books

Popular novel hashtag