Ang Spirit Beast Arena ng Thousand Beast City ay hindi pa naging ganoon kaabala at
nagmamadali tulad ngayon ng mga nagdaang araw. Isang tila walang silbi na Spirit Beast ang
nagawang mamayagpag sa karamihan at nagdulot sa karamihan na malaglag ang panga. At
pagkatapos niyon, isa na namang Spirit Beast ang biglang nagpakita at namayagpag sa labanan
ng Spirit Beast Arena.
At itong dalawang pinag-uusapang Spirit Beasts na nagdulot ng hindi mabilang na mga debate
ay magtatagpo ngayon sa isang labanan, at iyon ay isang inaabangan na laban na
pinakahihintay ng lahat.
Ang lahat ay nasasabik sa laban at ang Spirit Beast Arena ay umaapaw na sa manonood, dahil
ang sinumang makarinig ng balita tungkol doon ay nagmamadaling magpunta sa lugar na iyon.
Si Lin Feng ay nababalot ng isang mahabang balabal. Nagpunta siya sa Spirit Beast Arena dahil
nais niyang makita mismo ang reaksyon ni Jun Xie habang nilalamon ng buo ang kaniyang
Spirit Beast. Tiningnan niya ang bata na nagrehistro sa Devious Wyvern. Ang taong iyon ay
anak sa labas ng kaniyang tagasilbi at hindi kilala sa Thousand Beast City, kaya walang
nakakaalam ng tunay na pagkakakilanlan nito. Sa leeg ng batang iyon ay nakasuot ang isang
pilak na kuwintas, ang tanging bagay na nakikilala ng Devious Wyvern. Ang sinuman na may
suot ng pilak na kuwintas na iyon ay magagawang kontrolin angDevious Wyvern at gagawin
anuman ang hilingin nito!
Ibinuwis lahat ni Lin Feng ng mayroon siya sa pagkakataong iyon. Parehong ang Devious
Wyvern at pilak na kuwintas ay lihim na inilabas ni Lin Feng sa likod ni Lin Que at dahil iyon sa
nais niyang manalo laban kay Jun Xie para sa sarili at kay Shangguan Miao.
hindi siya nag-aalala na masasaktan sa lugar na iyon Ang Devious Wyvern. Nang mahuli ang
Devious Wyvern at unang dalhin doon ay nagpalit na ito ng kaniyang kaliskis nang dalawang
beses at ilang buwan ang nakakaraan ay natapos na ang ikatlong pagkakataon, bagama't ang
Spirit Beast ay mukha pa ring mataas na uri ng Spirit Beast, ang kapangyarihan nito bilang
Guardian Grade Spirit Beast ay nagising na at unti-unti ng lumalakas.
Iniisip ng kaniyang ama na hihintayin muna nito na maging isang tuluyang Guardian Grade
Spirit Beast ang Devious Wyvern bago niya ito ihandog sa taong iyon.
Nang makita ng bata si Lin Feng ay maingat na tumango ang bata na hindi napapansin
ninuman.
Sa Spirit Beast Arena, ang mga tao ay nagsisiksikan na at nakita na nila ang pinakahihintay nila
na dala ang kaniyang Spirit Beast at naglakad patungo sa Spirit Beast Arena.
Karga ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa kaniyang braso habang papasok sa pintuan ng Spirit
Beast Arena, ang mata ng lahat ay nakatuon sa kaniya. Habang ang hindi mabilang at
kumplikadong mga sulyap ay nakatitig, si Jun Wu Xie ay nagpatuloy sa paglalakad nito ng
mabagal, walang pakialam at hindi apektado sa nakakabinging ingay at gulo sa paligid niya.
Nang makit ni Lin Feng si Jun Xie, ang dugo sa buong katawan niya ay nagsimulang kumulo.
Hindi na niya mahintay na makita ang Spirit Beast ni Jun Xie na lamunin ng buong-buo ng
Devious Wyvern!
Bago magsimula ang laban, inilagay ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa battle platform at sinabi
sa mahinang boses: "Kung wala ng pagpipilian, maaari kang magpalit anyo."
Kinurap ni Lord Meh Meh ang kaniyang mga mata at blankong tumingin kay Jun Wu Xie. Hindi
ito ang unang pagkakataon na nakatayo siya sa entabladong iyon at lahat nang nakita biya
doon ay mga Spirit Beasts na hindi man lang magawang punan ang puwang sa pagitan ng
ngipin ng mga ito. Bakit sasabihin sa kaniya ng tagapakain na maari siyang magpalit anyo?
[Hindi na kailangan pa.]
[Sa ano't ano man, ang kailangan lang gawin ay umunga ng ilang beses at ang kalaban ay
aatras na sa takot tapos ay makakain na ng masarap na dahon ng lotus!]
Hindi pinansin ang sinabi ni Jun Wu Xie, si Lord Meh Meh ay nasasabik ng bumalik at magalak
sa pagkain. Nakatayo sa battle platform ay parang nakikita niya ang napakaraming dahon ng
lotus sa kaniyang harapan, ang anyo nito ay tuwang-tuwa, ang munting buntot ay masayang
kumawag.
Lihim na inobserbahan ni Lin Feng ang hindi nakakabilib na munting Spirit Beast na nasa battle
stage at napangisi siya. Inisip niya kung anong uri ng Spirit Beast mayroon si Jun Xie at nang
makita niya na isang munting nilalang lang ito, ay hindi niya mawari kung paanong ang isang
Spirit Beast na tulad nito ay magagawang makuha ang pinakamataas na ranggo sa Spirit Beast
Arena.
Hindi nagawang patayin ni Shanggun Miao si Lord Meh Meh, ngunit sinisiguro ni Lin Feng na
ang munting Spirit Beast na ito ay hindi nagwagi dahil sa sarili nitong kapangyarihan!