Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 96 - Hukbo ng Rui Lin (Unang Bahagi)

Chapter 96 - Hukbo ng Rui Lin (Unang Bahagi)

Sa patuloy na pagpapalago mula sa Jade Nectar, ang buto ng baino na itinanim ni Jun Wu Xie ay patuloy na namumulaklak, nakikihalubilo sa mga amoy ng baino at alak na bumalot sa silid ni Jun Wu Xie.

Ang amoy na naghahalo kay Jun Wu Xie sa ispiritwal an enerhiyo kahit habang siyang tulog.

Ang kontraktwal na espiritong mula sa halaman ay mukhang walang kwenta, ngunit ang kanilang pamamaraan ng paglilinang ay halos walang katotohanan.

Sa loob ng dalawang linggo, nakalipon si Jun Wu Xie ng ispiritwal na enerhiyo sa kanyang katawan.

Habang nakatitig sa pulang liwaag sa kanyan palad, hinayaan na ni Jun Wu Xie ang katiting na kasiyahang lumabas sa kanyang mga mata.

Ang ispiritwal na enerhiyo ay nauuri sa pitong kategorya, sa kulay ng bahaghari.

Napagkakaiba ng pula, kahel, dilaw, berde, asul, tina at murado.

Nailantad lamang si Jun Wu Xie sa pulang ispiritong enerhiya sa kanyang palad.

Ang mga ispiritwal na enerhiyo ay maipalalago lamang pagkatapos magising ng kontraktuwal na espirito, na mangangahulugang mga tao sa mnundo ay magsisimula ng kanilang pagsasanay ng seryoso mula sa edad ng katorse. Bago yun, kailangan nilang palakasin ang kanilang katawan at patibayin ang kanilang mga litid at daluyan ng dugo o mga ugat, para sa preparasyon sa pagkagising. Sa smila, bago pa niya makuha ang katawan na ito, si Jun Xian ay nagkondisyon at naglinang kay Jun Wu Xie mula sa murang edad ng masinsinan para sa preparasyon ng kanyang pagkagising ng espirito. Mas madali niya ngayon tanggapin ang ispiritwal na paglilinang ngayon.

Mula sa edad katorse pasulong, ang mga tayo'y nakadepende na sa kanilang mga kontraktwal na espirito para paglinangin ang kanilang ispirtiwal na enerhiyo. Sa pagdami ng kaniang espiritwal na enerhiyo, mas nakakasipsip ang kanilang mga espirito, at ito'y nagpapalago sa kanila.

Sila ay magkaakibat at nakadepende sa isa't isa.

Pag ang isang karaniwang tao ay nagsimulang manlinang ng kaniyang ispiritwal na enerhiyo, nakakaya ng katawan na makakuha ng isang napakaliit na parte nito at para maipakita ito sa labas ay aabutin ng kalahating taon.

Gayunpaman, nakayanang gawin ni Jun Wu Xie iyon sa loob lamang ng kalahating buwan. Kung meron mang makaalam nito, matatakot sila ng lubusan!

Biglang binawi ni Jun Wu Xie ang lahat nang biglang mawala ang pulang ilaw. Ilang sandali lamang ay may kumatok sa pinto niya.

Magmula ng siyang maglinang, ang kanyang pakiramdam ay naging mas matalas.

"Pasok"

Bumukas ang pinto at sa labas ay nakatayo si Long Qi bago nagbigay galang at yumuko. "Ang pangalawang maestro ay nagiimbita sa aming dalagang makita siya."

"Sige."

Pinangunahan ni Long Qi ang daan habang siyang dinala sa ilalim ng lugar kung saan sila nageensayo. Isang mamahaling lupa ito at nakakamangha nang mapalibutan ang naglalakihang pader ng mga armas.

Sa gitna nito ay isang katawang may hawak na espada, walang tigil na nageensayo, ang kanyang mga galaw na parang tubig ngunit mabilis at malakas, kanyang damit ay sinisipsip na lahat ng kanyang pawis ngunit tila wala siyang pakielam at nagpatuloy siya ng may matatag na determinasyon.

"Tito" Tinawag ito ni Jun Wu Xie

Nang marinig niya ito, agad na ipinaloob niya ang kayang espada at nginitian niya ang dalaga.

"Nandito ka na pala, Wu Xie"

Sinuri siya ni Jun Wu Xie at tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Walang makaiisip na kamakailan lang, ito ang parehong taong baldado at halos nasa kalahating hakbang na lamang sa pinto ng kamatayan.

Mamgmula nang madiskubre ni Jun Qing na kaya niya pang tumayo, pasikreto siyang nageesayo, pinipilit ang kanyang sarili araw araw hanggang siya'y bumigay, para mabawi ang mga panahong hindi siya nakapagensayo dahil hindi niya magamit ang kanyang mga binti.

"Pinatawag kita nang makita kong napakaganda ng panahon ngayon, at naisip kong magandang ideya ang makasama ko ang aking pinakamamahal na pamangkin para tamasin ang napakagandang tagsibol." Nginitian niya ng mapagmahal habang inabot ang kanyang espada kay Long Qi.

Related Books

Popular novel hashtag