Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 97 - Hukbo ng Rui Lin (Pangalawang Bahagi)

Chapter 97 - Hukbo ng Rui Lin (Pangalawang Bahagi)

Walang balak makipagtalo si Jun Wu Xie kay Jun Qing.

Matapos makapagpalit ng panibagong damit, bumalik si Jun Qing sa kanyang wheelchair habag si Long Qi ang nagtutulak sakanya papalabas ng palasyo at sumakay sa kalesa kasama si Jun Wu Xie.

Lumibot ang kalesa sa lungsod ng imperyal. Walang interes at pakielam si Jun Wu Xie sa mga pangyayari sa lungsod, ang mga nagbebenta'y sumisigaw ng kanilang mga produkto o mga taong naguusap. Sa buong lakad nila, nakayuko lamang siya at hinihimas ang pusang nakakandong sakanya.

Hindi napigilan ni Jun Qing na tumawa habang nakating kay Jun Wu Xie.

Kahit nang siya'y bata pa, tahimik na talaga si Jun Wu Xie ngunit habang ang nagdadalagang sobrang walang pakielam, lagi paring tahimik, ay tila nakakapagalala.

Matapos ang ilan pang sandali ay tumigil na ang kalesa. Tinulungan ni Long Qi si Jun Qing sa pagbaba ng kalesa, at siya'y sinundan naman ni Jun Wu Xie.

Nang siya'y makababa, nagulat si Jun Wu Xie nang tumingin siya sa kanyang kapaligiran.

Ilang metro lamang ang layo, mayroong hukbong pulutong hukbo. Nang siya'y tumingin sa likod, malayo na sila sa lungsod ng imperyal, at hindi man lang niya ito namalayan.

"Kilala ang pamilya ng Jun sa ating hukbong Rui Lin. Bilang anak ng pamilyang Jun, kailangan mo ring pumunta rito balang araw." Sinabi ni Jun Qing nang may kapurihan, nakaupo sa wheelchair habang siya'y tinutulak ni Long Qi.

"Binibini, sumunod po kayo sa akin" Tawag ni Long Qi ng may paggalang, habang tinutulak ang wheelchair sa kampo.

Ang Hukbong Rui Lin/ Sandatahang Rui Lin, ang pinakamabangis na hukbo sa kaharian ng Qi. Ilang beses na nila napatunayan ang kanilang lakas sa larangan ng digmaan. Ang kanilang reputasyon ay naayon sakanila. Ang mga kalaban nila ay nagtago na lamang sa loob ng kanilang mga hangganan.

Sa mga nakaraang taon, ang kaharian ng Qi ay tinamasa ang kanilang katatagan sa kanilang mga hangganan, tsaka lamang kinuha ni Jun Xian ang hukbo. Para maiwasan ang suspisyon mula sa emperador, ibinigay niya ang karamihan ng sundalo sakanya at inilayo ang kampo sa lungsod. Ibinahay nya ang pamilyang Jun sa loob ng lungsod imperyal para mawalan ng kaba ang emeperador sa pag-alsa.

Pero sa kaalaman ng lahat, tanging ang mga supling lamang ng pamilya ng Jun ang makakapagutos sa hukbo ng Rui Lin.

At dahil ang buhay ng pamilyang Jun ay nakasalalay sa iyong mga kamay, ikaw ay may kontrol sa hukbo.

Ito ang unang beses ni Jun Wu Xie sa kampo ng hukbo, pati na rin ang kanyang katawan.

Malakas ang sinag ng araw sa gita ng katanghalian. Sa malawag na espasyo ng kanilang kampo, iisang grupo lamang ang nagpapatrol, at maliban dun, napakatahimik na ng kampo.

Sumunod lamang si Jun Wu Xie kay Long Qi na nagtutulak ng wheelchair. Dinala sila ni Long Qi sa gitna ng kampo na nababalutan ng katahimikan at si Wu Xie ay nagmamasid lamang ng maigi.

Walang tao sa parte ng kampong iyon, walang presensya ng hukbo ng Rui Lin. Ang kinakatakutan na hukbi ng Rui Lin ay biglang nawala na parang bula.

Gayunpaman, pagdating ni Jun Wu Xie sa lugar ng pageensayo, nanlaki ang kanyang mata.

Ang mga hanay sa mga hilera, ang mga sundalong ganap na nakasuot ng damit panglaban, sa ilalim ng nakasisilaw na araw, mga sandata'y kanilang hawak at nasa gitna ng laban-labanan para sa kanilang pagsasanay. Ang bigay ng hangin sa init na ito, galing sa mabigat na hiwa ng mga sandata sa hangin.

"Ito ang hukbong Rui Lin ng pamilyang Jun. Ang ating pinakamatalas na patalim. Tandaan mo Wu Xie, na itong patalim na ito ay maaring magamit lamang ng pamilyang Jun." Sabi ni Jin Qing nang siya'y lumingon, ngiti'y nangupas at ang kanyang mga mata'y naging matigas, nakakatakot tignan.

Ang hukbong Rui Lin, ito ang pinakamalakas na anting anting ng pamilyang Jun, pumoprotekta sa atin nang ilang siglo, ngunit makakaakit rin ng suspisyon mula sa emperador.

Related Books

Popular novel hashtag