Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 940 - Ang Ikasampung Sampal (4)

Chapter 940 - Ang Ikasampung Sampal (4)

Hindi pinansin ni Jun Xie ang Emperatris at ang iba pa. Nilingon niya ang namumutlang Emperador.

Nagulat ang Emperador ng muling tumutok sa kaniya ang mga mata ni Jun Xie at halos mahulog siya sa

trono sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Pinanatili niyang nakaupo ng maayos habang nilibot niya

ang kaniyang mga mata sa tao sa paligid niya at tumigil ang tingin niya kay Lei Xi at nagkaroon siya ng

kaunting pag-asa!

"Little Xi! Aking mabuting anak! Si Jun Xie ay pinagtatangkaan ang buhay ng iyong ama! Tulungan mo

ako! Kailangan mong tulungan ang iyon ama ;laban sa kaniya." Biglang sigaw ng pagmamakaawa ng

Emperador sa kay Lei Xi na hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito.

Natakot at nabigla si Lei Xi sa mga naganap sa loob ng silid na ito at umikot ang ulo niya at tiningnan ang

pintuan ng silid kung saan nakita niya ang napakalaking Spirit Beast na nakaharang sa labasan. Tumuon

ang tingin niya sa Emperador at ang puso niya ay napuno ng takot, ang kaniyang utak ay blanko habang

naglakd patungo sa Emperador.

Ngunit inangat pa lamang niya ang paa para sa unang hakbang nang bigla hawakan siya sa balikat ni Lei

Chen.

"Kuya?" tanong ni Lei Xi habang tiningnan si Lei Chen, ang kaniyang mata ay puno ng paghihirap.

Nakuha niya ang hustisyang matagal niya nang hinihintay dahil kay Lei Chen. At base sa sinabi ni Jun Wu

Xie kanina, naintindihan niya na kung sino ang totoong tao sa likod ng lahat ng ito.

Dahil kay Jun Xie nakamit niya ang hustisyang hinahanapo para sa kaniyang ina, kung kaya walang kahit

anong pagkamuhi siyang nararamdaman kay Jun Xie kung hindi ay kagalakan at pagpapasalamat.

"Pagkatapos mong magmukhang parang tanga sa loob ng mahabang panahon, tuluyan ka bang naging

tanga?" Matigas na tiningnan ni Lei Chen si Lei Xi.

Dahil dito natakot si Lei Chen.

"Sa mga panahon na namatay ang iyong ina sa kahinahinalang pangyayari, nag imbestiga ba ang

Emperador upoang malaman ang tunay na nangyari? Pagkatapos patayin ang iyon ina at ikaw ay hindi

trinato ng maayos, sa tingin mo ba itinuring ka niyang isang anak? Prinotektahan ka ba niya kahit kaunti?

Nang lumipat ka palabas ng palasyo, nagpakita ba siya ng kahit na anong pagmamahal sa iyo?" Bawat

salita na binitawan ni Lei Chen ay tumusok sa kaniyang puso.

Bawat salita ay parang kidlat na tumama sa kaniya!

Nnag mamatay ang kaniyang ina, ang Emperador ay puno pa rin ng pighati sa pagkamatay ni Lady Cheng

at walang ibang inalala. Pero sa libing ng kaniyang ina, na mabilisang ginawa, kahit isang beses lamang

ay hindi ito bumisita o imbestigahan lamang ang pagkamatay nito.

Pagtapos niyan, mukhang nakalimutan pa ng Emperador si Lei Xi, at ni hindi man lang siya ipinatawag

nito kahit isang beses.

Ang mga sinabi ni Lei Chen ay gumising sa hindi maikakailang katotohan kay Lei Xi. Muling umatras si Lei

Xi.

Dahil sa hindi pag galaw ng Emperador sa pagkamatay ng kaniyang ina at ang buong atensiyon nito ay

binigay lamang sa Emperatris at Lei Fan, ito ang dahilan kung bakit hindi siya lumalabas sa mga nakalipas

na taon at hinintay lamang ang tamang pagkakataon upang ipaghigante ang kaniyang ina.

Kung binigyan lamang ng kaunting pansin ng Emperador ang pagkamatay ng kaniyang ina, medaling

malalaman ang walang awing pagpaslang rito.

Ang maliit na pag-asa ng Emperador ay mabilis na sinira ni Lei Chen nang makita niyang dahan dahang

umatras si Lei Xi at tumayo sa likod ni Lei Chen, ang ulo nito ay nakayuko at ni hindi man lang siya

tinapunan ng tingin.

Biglang sumigaw ang Emperador, "Lahat kayo ay masasamang tao! Malakas ang loob niyong tratuhin ng

ganito ang Emperador?! Ako ang Emperador ng Fire Country! Kung magtatangka kayong patayin ako,

wala kahit isa sa inyo ang makakalabas ng buhay sa palasyo ng imperyo!

Ang Emperador ay puno ng takot. Ngunit wala siyang ibang magawa kung hindi ang sumigaw ng

pananakot, upang itaas ang kaniyang natitirang tapang sa sarili.

Ngunit umiling lamang si Jun Wu Xie habang tinitingnan ang natatarantang Emperador.

"Mukhang nakakalimutan ng kamahalan ang rason kung bakit gusto mo akong ipapatay."

Muling nagulat ang Emperador nang makita niyang dahan dahang inaangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang

kamay upang ipakita nag singsing ng Imperial Fire na nakasuot sa daliri nito!