Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 941 - Ika-sampung Sampal (5)

Chapter 941 - Ika-sampung Sampal (5)

Nanlaki ang mata ng Emperor.

"Ano... Ano ang ginagawa mo!?" natatarantang sigaw ng Emperor.

Nagtaas lamang si Jun Wu Xie ng kilay at nagtanong: "Ano? Hindi mo ba nakikilala ang singsing

na ito, Your Majesty?"

"Anong singsing! Wala akong alam tungkol diyan!" puno ng takot ang puso ng Emperor habang

patuloy niyang sinasabi sa sarili na manatiling kalmado.

[Walang paraan upang malaman ni Jun Xie ang lihim tungkol sa Ring ng Imperial Fire!]

[Talagang imposible!]

"Ang First Emperor sa iyong angkan ay naglatag ng Decree, na sa tuwing ang may taglay ng

Ring of Imperial Fire ay magpapakita sa Fire Country, anuman ang henerasyon ng kaniyang

mga inapo na namumuno sa mga panahon na iyon, dapat ay bumaba sa trono at ipasa iyon sa

nagtataglay ng Ring ng Imperial Fire. Hindi mo ba ito naaalala Your Majesty?" dinurog ng mga

salita ni Jun Wu Xie ang kahuli-hulihang pag-asa na mayroon ang Emperor sa kaniyang puso.

Talunan siyang natumba, sumalampak sa trono at lahat ng kulay sa kaniyang mukha ay unti-

unting nawala.

"Paano mo nalaman... ang Grand Adviser? Ang Grand Adviser ang nagsabi sa'yo!" namula sa

matinding galit ang mata ng Emperor habang nakatitig kay Jun Xie.

Ngunit sa sandaling iyon, nagsalita si Lei Chen: "Dahil sa akin."

Nilingon ng Emperor si Lei Chen, bakas sa mukha niya na hindi ito makapaniwala.

"Ikaw..."

Walang takot na sinalubong ni Lei Chen ang tingin ng Emperor na nakatitig sa kaniya at tila nais

kainin si Lei Chen ng buhay.

Biglang sumigaw ang Emperor: "Iilang tao lamang sa ilalim ng Heavens ang nakakakilala sa Ring

ng Imperial Fire! Jun Xie! Huwag mong isipin na pupunta ka dito at magagawa mong kunin ang

aking buong imperyo sa pamamagitan lamang ng isang maliit na singsing! Ang Fire Country ay

sa akin! Sa Emperor! Ako ang Emperor ng Fire Country! Ano naman ngayon kung hawak mo

ang Ring ng Imperial Fire!? Kung papatayin moa ko, ang buong Fire Country ay gagawin ang

lahat upang ika'y maparusahan! Walang makakaalam ng tungkol sa Ring ng Imperial Fire! Hindi

mo kailanman makukuha ang trono ng Fire Country! Imposible! Hindi mo magagawa!"

Ngumisi si Jun Wu Xie at nagsabi: "Tingin mo may pakialam ako doon?"

Nagulantang ang Emperor sa sinabi nito.

"Kung hindi dahil sa katotohanan na hinanap mo ang sarili mong kamatayan dahil sa pag-uusig

sa akin, itong pangit na upuan mo, ni katiting ay wala akong pakialam dito. Ngunit sa mga

ginawa mo laban sa akin, bilang pagtugon sa regaling ibinigay mo sa akin ay nais kong tulungan

ka na iyong mapagtanto ang krimen na idiniin mo sa akin." isang nakakapangilabot na kislap ng

mata ang bumakas sa mata ni Jun Wu Xie.

[Ano ngayon kung ang trono ng Emperor ay nasa Fire Country? Sa kaniyang mga mata, hindi

iyon maikukumpara kahit sa isang damo ng Lin Palace.]

[Ngunit ng sinubukan ng Emperor na patayin siya, bakit niya hahayaan na gawin ang nais nito?]

"Hindi pwede… Hindi ka magiging Emperor ng Fire Country… Imposible… Imposible…" ang

Emperor ay labis na naghina dahil sa matinding sindak na bumalot sa kaniya at ang tanging

nagawa na lamang niya ay sabihin ng paulit-ulit sa kaniyang sarili ang mga salitang iyon.

Ang Imperial Guards ay nasa labas ng malaking bulwagan at nakaharang doon si Lord Meh

Meh kaya walang makapagliligtas sa kaniya. Ang tanging anak niya na nasa loob ng bulwagan

ay hindi siya nais tulungan dahil sa haba ng panahon na pinakita sa anak na wala itong

pakialam at kawalang-interes.

Ang hari ng pinakamalakas na bansa sa ilalim ng Heavens sa mga sandaling iyon ay

nakaramdaman ng walang kaparis na panghihina at kilabot!

"Huwag mo kalimutan, ang Imperial Decree, ay kasalukuyang nasa kamay ng Empress

Dowager." Paalala ni Jun Wu Xie sa Emperor.

Laging sinusunod bni Empress Dowager ang nais ng First Emperor sa kanilang lahi at kahit na

ang Emperor ay sarili niyang inapo, ay hindi niya babaguhin ang kaniyang isip tungkol doon.

"Makakasiguro ka. Hindi ako ang magiging Emperor ng Fire Country." Biglang sabi ni Jun Wu

Xie.

Bigla ay may kumislap na pag-asa sa mata ng Emperor.

Ngunit ang mga mat ani Jun Wu Xie ay puno pa rin ng malamig na tingin.

"Matapos ng iyong pagbitaw, at maipasa na sa akin ang trono, ako ay agad na gagawa ng

kautusan, na si Lei Chen ang susunod na magiging Emperor ng Fire Country!"

Muli, ang mata ng Emperor ay nanlaki, nilingon niya si Lei Chen na bakas sa mata ang

parehong ekspresyon.

Wala talagang pakialam si Jun Wu Xie sa trono, at ito ay kaniya pa ngang ipapasa sa isang

ipinanganak na mahirap, isang bastardo na ang dugo ng isang katulong ng palasyo at

guwardiya ay nananalaytay sa katawan! Naramdaman ng Emperor na ang kaniyang utak ay tila

nasa isang walang tigil na alimpuyo!