Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 939 - Ang Ikasampung Sampal (3)

Chapter 939 - Ang Ikasampung Sampal (3)

Sagot ni Jun Wu Xie, "Bakit mukhang takot na takot ka kamahalan? Kung tama ang naalala ko, ikaw ang

nagplano ng laban sa akin."

Dahan dahang naglakad si Jun Wu Xie sag it na silid at tiningnan ang nakakaawang hitsura ng Emperatris

at ng punong ministro.

Puno ng takot ang mga mata ng punong ministro habang nakatingin sa kabataan na nasa harap niya.

Nakita niya lamang si Jun Wu Xie sa guhit nito at ngayon lamang niya nakita iton ng personal. At habang

tinitingnan niya ito ngayon, ang mga malalamig nitong mata, naintindihan niya na kung bakit ang grupo

ng assassin na ipinadala niya para patayin si Jun Wu Xie ay nawala ng walang bakas.

Ang kabataang ito na pinaglaruan sa mga palad nito ang Emperador at Emperatris ng Fire Country. Hindi

medaling maidispatsa ang isang katulad nito!

Matalim na tiningnan ng Emperatris si Jun Xie, "Ikaw… Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Bakit mo ito

ginagawa?! Bakit mo ito ginaw?!"

Napagtanto ng Emperatris base palitan ng salita ni Jun Wu Xie at ng Emperador na ito ang may

kagagawan ng lahat ng ito. Pati siguro ang pagkawala ng mga tagalingkod niya sa palasyo ay ito ang may

kagagawan!

Ni hindi napanaginipan ng Emperatris na siya, na mayroong mataas na kapangyarihan sa palasyo sa loob

ng maraming taon, ay mapapatumba lamang ng maliit at batang si Jun Wu Xie na kung hindi pa nito

inamin na siya ang nasa likod ng lahat ng ito ay hindi nila malalaman. At kahit siguro mamatay pa siya,

hinding hindi niya malalaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito!

Inatake ng Emperatris si Jun Xie upang sakalin ito hanggang sa mamatay ito.

Ngunit bago pa siya makalapit kay Jun Xie, ang Drunk Lotus ay bigla nalang nasa harap niya, ang paa nito

ay sumipa sa kaniyang tiyan kung kaya tumilapon siya. Katulad ni Yuan Biao, ang Emperatris ay sumuka

ng dugo.

"Bakit ko gagawin iyon? Sa tingin mo ba ginawa ko ang lahat ng ito dahil sa iyo, ang Emperatris ang

nagtulak sa akin para gawin ito?" Natawa si Jun Wu Xie. Hindi niya maintindihan kung bakit pa

tinatanong ng Emperatris ang kaniyang motibo.

Pakiramdam ng Emperatris nagkawasak was ask ang kaniyang katawan. Nakhiga lamang siya sa sahig,

masakit ang katawan habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kay Jun Wu Xie. Ang mga sinabi ni Jun

Wu Xie ay tila kidlat na tumama sa akniya.

Noong nakaraan, nang "aksidenteng" nalaman ni Jun Wu Xie ang tunay na katauhan ni Lei Fan, agad

niyang sinabi ito sa punong ministro upang patahikin nito si Jun Xie.

Siya ang naunang nagtangkang ipapatay si Jun Wu Xie, kung kaya gumanti lamang ito sa kaniya!

Nang maisip niya ito, nanigas ang Emperatis habang nakasalampak sa sahig, ang matang puno ng galit na

nakatuon kay Jun Xie ay napalitan ng takot.

Ni hindi niya naisip na madali siyang matatalo ng isang kabataan lamang kung saan mawawala ang lahat

sa kaniya!

Si Lei Fan ay nanatiling nasa sahig, iniinda ang sakit ng pagbalik sa tunay niyang anyo. Ni hindi ito

makapagsalita, basing basa sa malamig na pawis. Ngunit ang mga mata nito ay nakatuon rink ay Jun Wu

Xie.

Kahit siya ay hindi inasahan na ang batang gusto niyang pumanig sa kaniya ng una at pagkatapos ay

tatapusin ay ang siyang naging responsable sa kaniyang pagbagsak!

Maghihintay na lamang dapat siya ng dalawang taon upang matanggal kay Lei Chen ang posisyon bilang

tagapagmanang prinsipe at siya n asana ang uupo sa trono ng Fire Country. Ngunit dahil lamang kay Jun

Xie, ang lahat ng plano ay nasira!

Hinihiling ni Lei Fan n asana hindi na lamang nagpakita si Jun Wu Xie!

Ngunit, iyon ay mananatiling isang hiling lamang!