Tumayo si Bai Yun Xian na nakakagat sa kanyang labi, ayaw aminin ang gawa ng mga tableta ngunit mahirap nang tumanggi dahil sa mga ginawa ni Jun Wu Xie.
Pero, paano ito nangyari?
Si Jun Wu Xie ang bunso ng Palasyo ng Lin, imposibleng alam niya ang mga nilalaman ng tableta. Mas imposibleng magaya niya ito!
Hindi lang iyon, natapos niya ito sa kalahating araw! Hindi na maisip na makakagawa siya ng isang bote ng mga tableta, pero nakagawa siya ng DALAWA!
"Luma na bumibigay ang iyong pugon, at maraming oras ko ang nasayang dahil doon." Sinabi ni Jun Wu Xie kay Mo Quan Yuan.
Dahil sa pagkaluma ng pugon bukal ng hindi paggamit nito, at sa ilang kagamitang hindi magamit, nakagawa pa sana ng limang bote si Jun Wu Xie imbes na dalawa lang.
Nagpigil si Mo Qian Yuan sa kanyang pagtawa sa pagalala sa sinabi ni Bai Yun Xian na tatlo hanggang limang araw ang kailangan para sa mga tableta, at nakagawa si Jun Wu Xie ng dalawang bote sa loob ng kalahating araw. At para mas masakit, sinabi pa niyang dahil sa aking lumang pugon at mga sirang kagamitan, mas napatagal pa ang kanyang paggawa, na kaya pa niyang dagdagan ang kanyang gawa kapag maayos ang kanyang pinagtatrabahuan?
Ang mga hindi sinabing ito, ay nagdulot pa ng dalawang sampal sa mukha ni Bai Yun Xian.
Maririnig mo na ang kanilang kasiglahan!
Naintindihan na ni Mo Qian Yuan ang paghamak ni Jun Wu Xie sa mga tableta.
Ang puri ni Bai Yun Xian sa kanyang mga tableta, sa kamay ni Jun Wu Xie, ay naging mga bato nalang, na binato pabalik sa kanyang mukha.
"Jun Wu Xie, paano mo nalaman ang mga sangkap ng gamot ng aking angkan!" Kita na ang galit kay Bai Yun Xian, kailanma'y hindi siya napahiya ng ganito.
Sumagot si Jun Wu Xie nang parang wala lang sa kanya ito: "Kailangan mo pa ng listahan? Malalaman mo na sa amoy nila."
"....." Muntik nang bumula ang bibig ni Bai Yun Xian sa tono ng boses ni Jun Wu Xie.
Nang maramdaman ni Mo Xuan Fei ang kawalan ng pag-asa ni Bai Yun Xian, hinawakan niya ito sa kanyang balikat.
"Nagbibiro lang kami kanina, gabi na, kailangan na nating umalis." Biglaang sinabi ni Mo Xuan Fei, naisip na masyado na silang napahiya at mas mapapahiya lang sila pag nanatili pa sila.
"Wag kayong magmadali, kapatid. Hindi pa napapatunayan ni Binibining Bai ang gawa ng mga tableta." Hindi hahayaan ni Mo Qian Yuan na umalis lang sila.
Tinitigan ni Bai Yun Xian si Jun Wu Xie, may pagpatay sa kanyang mga mata.
Hirap sa mga salita, binulong niya: "Ang mga tabletang iyon.. ay totoo."
Nanghina siya sa kanyang mga sinabi. Bumigay ang kanyang mga tuhod.
"Yun Xian!" Nagmadali sa pagalalay si Mo Xuan Fei kay Bai Yun Xian at nanggigil: "Hindi na kami mamimilit, hindi maganda ang pakiramdam ni Yun Xian, babawi kami sa susunod."
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Mo Qian Yuan, at nagmadaling lumabas, inaalalayan si Yun Xian.
Ang mga Bating na may dalang mga regalo, naguguluhan, ay nagmadaling sumunod sa pangalawang prinsipe para ipresenta ang mga hiyas.
Nang umalis na ang lahat, hindi na mapigilan ni Mo Qian anng kanyang sarili at humalakhak.
"Jun Wu Xie, Jun Wu Xie, ginulat mo ako. Hindi ko makakalimutan ang pagpapahiya mo kay Bai Yun Xian at sa aking kapatid! Hindi mo agad sinabi ang katotohanan, para kumagat sila, at nang kumagat na sila, doon mo binitawan ang palakol. Ang sama mo! Ha ha ha!"
Sinulyapan ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan na humahalakhak, at sinabi sa kanyang sarili.
Masama? Hindi naman siguro.
Ang kahihiyan na naranasan nila ngayon ay gawa nila. Magkamag-anak ng masasama.
"Pero ang mga ginawa mo ngayon ang magdudulot ng galit nilang dalawa." Binalaan siya ni Mo Qian Yuan.
"Mangyayari naman talaga iyon." Yumuko si Jun Wu Xie, para maitago ang pamatay na sulyap sa kanyang mga mata.