Umalis ang Emperador ng walang ibang sinabi kung hindi ang na linisan si Lei Fan at inutusan din nito si
Lei Fan at Lei Chen na pumunta sa silid tanggapan ng palasyo ng imperyo.
Si Lei Fan na kamakailan lamang ay nawalan ng maraming dugo at dagdag pa ang mga nangyari, ang
kaniyang tuhod ay mahina pa at kinakailangan pa ng tulong ng mga yunuko upang makagalaw ng
maayos.
Inobserbahan ni Yesha ang lahat ng naganap sa loob ng silid ng Emperatris sa osang tagong lugar at
mabilis siyang tumakbo papunta sa kay Jun Wu Xie upang sabihin lahat ng nasaksihan niya.
"Ang Emperador ay inutos lamang na arestohin ang Emperatris at punong ministro ngunit walang ibang
ginawa kay Lei Fan." Saad ni Ye Sha, habang nakaluhod sa harap ni Jun Wu Xie.
"Gaya ng inaasahan. " walang makikitang pagkasorpresa sa mukha ni Jun Wu Xie habang kalmadong
hinahaplos ang balahibo ng maliit at itim na pusa.
"Young Miss, inaasahan mo bang mangyayari ang lahat ng ito? " si Ye Sha ang nagulat.
Sumagot si Jun Wu Xie, "Ano naman ang hindi malalaman? Si Lei Fan ang pibakapaboritong anak sa
nakalipas na mga taon. Habang maytoong maliit na posibilidad na hindi makita ng Emperador na si Lei
Fan ay tunay na anak ng Emperatris sa punobg ministro. Matalinong babae ang Emperatris. Alam niya na
sa pagkakataong ito ay natalo siya at hindi siya maisasalba. Kung kaya umaasa na lamang siya sa mukha
na taglay ni Lei Fan, umaasa siyang lalambot ang puso ng Emperador sa mukhang iyon. "
"Gusto ba ng Young Miss na isiwalat ko ang sikreto ni Lei Fan?" tanong ni Ye Sha.
Umiling si Jun Wu Xie. Inangat ang tingin sa labas ang mabagal na nagsabi, "kilala mo ba ang ikatlong
prinsipe ng Fire Country?"
Nagulat si Ye Sha sa tanong nito.
Ang ikatlong prinsipe ng Fire Country ay nagpamalas ng mataas na katalinuhan simula pagkabata ngunit
dahil sa posiyon ng kaniyang ina sa palasyo, hindi nagustohan ang ikatlong prinsipe. Ngunit dahil sa
katalinuhang taglay nito, may pagkakataon na pinakitaan ito ng Emperador ng pabor. Ngunit noong
pitong taong gulang lamang ito, namatay ang kaniyang ina at dahil dito nawalan ng ito ng proteksyon.
Kung kaya nahirapan ito sa palasyo. Naging mahina ito at halos hindi lumalabas sa silid nito.
"Iyan ay alam ng iyong kasamahan."
Patuloy sa paghaplos si Jun Wu Xie sa malambot na balahibo ng maliit at itim na pusa.
"Sa taon na namatay ang ina ng ikatlong prinsipe ay ang taon din kubg kailan ipinanganak si Lei Fan.
Nang mamatay ang ina ng ikatlong prinsipe, ang ang totoong Lei Fan ay ipinadala sa palasyo ng
Emperatris. Ang totoong ina ni Lei Fan ay namatay habang ito ay ipinalit sa anak ng Emperatris at
punong ministro. Hindi mo pa ba nakikita ang koneksyon sa lahat ng ito?"
Dahil dito naunawaan na ni Ye Sha kung ano ang ipinaparating ni Jun Wu Xie. "Huwag mong sabihin na
ang ina ng ikatlong prinsipe ay nalaman kung ano ang ginawa ng Emperatris kaya pinatahimik ito?"
Tumango si Jun Wu Xie. "Inimbistigahan ni Fei Yan ang ikatlong Prinsipe. Kung titingnan ito, mukha itong
mahinang daga sa harap ng maraming tao, ngunit hindi matatanggal ang katotohanang matalino itong
tao. Iniisip ko na may nakita o nadiskubre ito. Sa mga nakaraang taon, ang Emperatris ang namamahala
at hindi ito makagalaw dahil dito. At ngayong bumagsak na ang Emperatris, hindi niya papakawalan ang
pagkakataong ito upang maipaghigante ang kaniyang ina."
Pagkatapos magsalita,hinayaan ni Jun Wu Xie na bumaba ang maliit at itim na pusa at sumimsim sa
kaniyang tsaa.
"Bago pumunta si Lei Chen dito, patago siyang nakipagkita sa ikatlong prinsipe at sa pagkakataong ito,
sigurado akong nasa loob na ng palasyo ng imperyo ang ikatlong prinsipe."
[Upang talunin ang kalaban, hindi niya kinakailangan na siya mismo ang gagalaw para maisagawa ito.]
[Minsan, kahit hindi maganda ang mga pirasong natitira sa larong chess kung nalaro ito ng maayos,
mananalo pa rin ito.]
"Huwag mo ng isipin. Paano mo nakaligtaan ang palabas na ito Ye Sha?" tumayo si Jun Wu Xie.
"Naghihintay ng iyong mga utos ang iyobg tagapaglingkod."
"Halika, sumama ska sa akin na panoorin ang palabas. Mayroon pa akong malaking regalo na gustong
ibigay sa Emperador ng Fire Country." Yakag ni Jun Wu Xie habang naliliit ang mga mata.