Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 932 - Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Ikalawang Anyo (2)

Chapter 932 - Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Ikalawang Anyo (2)

[Kung bumagsak ang mga kalaban at natamo ang kabiguan, kung ang kalaban ay tuluyan ng natalo, ang

pagpapaalam sa kanila kubg sino ang totoong tumalo sa kanila ay nakakapanabik na gawain.]

Ipinalit na ni Jun Wu Xie ang uniporme ng Zephyr Academy sa mga damit ni Qu Ling Yue. Makikita na ang

totoong mukha na Jun Wu Xie.

Umalis na si Jun Wu Xie at Ye Sha.

Ang palabas ay malapit nang matapos, at nararapat lamang na matikman niya ang bunga ng kaniya g

paghihirap!

Ang Enperador ay nakaupo sa silid tanggapan ng palasyo ng imperyo habang tinitingnan ang Emperatris

at punong ministro na ipinasok ng mga kawal habang nakaluhod ang mga ito sa kaniyang harapan.

Ang dalawang taong ito, ang isa ay katabi niyang matulog sa iisang kama sa loob ng maraming taon

habang ang isa naman ay isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang opisyal. Ngunit trinaydor siya ng

dalawang ito sa nakalipas na mga taon at base sa mga narinig at nakita niya kanina lamang, hindi ito ang

unang pagkakataon na nagkaroon sila ng relasyon!

Nandidiri siya sa tuwing iniisip niya na ang malambing at masunurin ang Emperatris ay nagawang

pagtaksilan siya!

"Sa utos ng iyong kamahalan, hinalughog namin ang palasyo ng Emperatris at nadiskubre namin na

angvlahat ng yunuko at tagasilbi ng palasyo ay walang malay at nakatali." Nakaluhod si Yuan Biao upang

sabihin ang mga nalaman. Tinitingnan niya kubg may bakas ba ng presensiya si Jun Wu Xie ngunit

pinatawag siya ng Emperador at nagulat siya sa eskandalong naganap sa palasyo!

Nang marinig ito ng Emperatris, nanlamig ang kaniyang puso. Ibig sabihin lamang nito mayroong tao sa

likod ng mga pangyayaring ito na nakakaalam sa relasyon niya sa punong ministro at nahulaan na

papasok ang Emperador sa kaniyang silid upang masaksihan ang lahat..

[Ngunit sino ang taong ito? Paano nito nalaman ang pinakatatago niyang sikreto?]

Naalala ng Emperatris ang sinabi ni Lei Fan na maaring alam ng taong nakasuot ng itim na roba ang

kanilang sikreto. Akala niya masyado lang nag-iisip si Lei Fan ngunit sa mga nangyayari ngayon, ang lahat

ay maaring nakaplano ng taong iyon, at dahan dahan silang tinutulak sa bangin!

Ang higit na ikinakatakot ng Emperatris ay ang katitohanan na wala siyang ideya kung sino ang may

kakagagawan ng lahat ng ito!

"Ikulong ang dalawang ito at magpadala ng tao na mag-iimbestiga sa dalawang ito!" utos ng Emperador.

"Masusunod!" saad ni Yuan Biao.

Sa pubtong iyon, mabagal na naglalakad si Lei Fan patungo sa silid tanggapan habang inaalalayab ng

grupo ng mga yunuko. Katabi si Lei Chen.

Hindi pa nakakawai ang katawan ni Lei Fan at ang kaniyang mukha ay namumutla. At ang makita ang

Emperatris at punong ministro na nakaluhod, ang kaniyang mga mata aynagpakita ng takot ngunit hindi

niya ito ipinakita sa iba.

"Ikaapat ba kapatid, mag-iingat ka." Nakita ni Lei Chen na nanginginig si Lei Fan at nagkunwari siyang

nag-aalala dito.

Hindi gusto ni Lei Fan si Lei Chen ngunit dahil sa panahong ito kung saan pinaghihinalaan siya ng

Emperador, wala siyang magawa kung hindi ang dumepende kay Lei Chen. Ngumiti siya at nagsabi,

"Kuya, tulungan mo ako."

Tumango si Lei Chen at tumugon, "Aking ikaapat na kapatid, huwag kang mag-alala. Ikaw ay aking

kapatid, hindi ko hahayaan na apihin ka."

Nang marinig ito ni Lei Fan, bumuntong hininga siya.

Kumukulo pa rin ang dugo ng Emperador nang makita niya ang magkapatid. Tiningnan niya ng majigi ang

mukha ni Lei Fan, sinisiguro na hindi nga siya nagkamali sa kaniyang desisyon.

"Ano ang masasabi niyo sa mga kaganapan ngayon araw?" ang Emperador ay nilipat ang tingin sa

dalawang nakaluhod.

"Inaamin namin ang aming kasalanan!"

"Inaamin namin ang aming kasalanan!"

Ang Emperatris at punong ministro ay yumukod at inilapat ang ulo sa sahig habang inamin ang kanilang

kasalanan. Nahuli sila ng Emperador at hindi nila maikakaila ito. Iniisip nila na walang kawala sila sa

kasalanang iyon, ang natatangi na lamang nilang magagawa ay ang iligtas at protektahan si Lei Fan!

Sasabihin na dapat ng Emperador ang hatol ng dalawa ng biglang marinig ang anunsiyo ng yunuko!

Related Books

Popular novel hashtag