"Ang rason bakit si Little Fan ay masasalba ay dahil dumating ka sa oras! Kung hindi, hindi ko na alam
ang gagawin ko, kahit kaonting ideya hindi ko alam ang gagawin!"
Nang marinig ng Emperador ang boses ng Imperatris, isang ngiti ang sumibol sa mukha niya. Kung
sabagay sabi ng Imperatris meron siyang alternatibong lunas. Ang taong ito na nasa loob ng kwarto niya
ay malamang isang Divine Doctor!
Bago pa man mabuksan ng Emperador ang pinto para pumasok, panibagong boses ang narining niya at
naparalisa ang ngiti sa kaniyang mukha.
"Nagpadala ka kamahalan ng balitang may kaagarang kailangan, paano ako hindi magmamadali?"
Ang boses na iyon, ay ang boses ng lalaki na tumutulong sa Emperador ng mahigit na isang dekada, ang
kasalukuyang Punong Ministro ng Imperial Court!
Bakit ang Punong Ministro ay narito sa loob ng kwarto ng Imperatris?
Nagsalubong ang kilay ng Emperador, ngunit nagiisip siya na mayroon siyang hindi naiintidihan dito.
"Dahil kaya ang Imperatris ay nagmadaling pumunta dito? O dahil baka ang ama ay nagmamadaling
pumunta para makita ang anak?" Narinig nila ang boses ng Imperatris, para bang nagbibirong tono.
"Ang mga salita ni Litte Hui ay pinapatay ang mababang tagapaglingkod mo. Si Little Fan ay anak ko,
ngunit hindi ba ikaw ang nanganak sa kaniya? Ang puso ko ay nasasaktan sa nangyare sa anak ko, ngunit
ikaw ba ay hindi nasasaktan?"
Ang mukha ng Emperador ay biglang napuno ng galit!
Little Hui ang pangalan sa pagkadalaga ng Imperatris bago siya nakapasok ng palasyo!
"Anung sumpa! Ang iyong kamahalan ay takot na takot ngayon araw, hindi ko alam anu ang pakay ng
mamamatay tao na iyon. Sa tingin niya ay masasaktan niya ang katawan ng Emperador sa pamamagitan
ky Little Fan. Ngunit kung ang katotohanan ay si Little Fan ay hindi tunay na anak ng Emperador at ang
kaniyang dugo ay hindi makakasalba ng buhay ni Little Fan, bakit nag-abala pa ang kamahalan na pigilan
ang Emperador?"
"Ang aking Little Hui ay matalino at para mapagtakpan ang totoong pagkatao ng aming anak. Naawa ako
sa Emperador sa kaniyang bulag na katangahan kung saan nagkamali siya na ang anak namin ay inakala
niyang anak niya sa babaeng iyon na nagpakita sa kaniya ng pagmamahal. At kapag malaman niya na si
Little Fan ay galing sa atin, anu kaya ang kaniyang mararamdaman."
"Kakaiba ka mag-isip. Kapag nalaman niya ito, may pagkakataon ba tayong tatlo mabuhay? Walang
magawa ang iyong Imperatris kundi ipatawag ka ngayon at ngayong nalunasan na ang lason, magmadali
kang umalis bago pa man niya malaman na nandito ka sa Palasyo at maglikha ng gulo."
Little Hui ganun nalang ba kabilis na paalisin mo ako ng ganito? Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon
maging malapit sa iyo ng mahabang panahon. Ang matandang Emperador na iyon ay napakaraming
babae sa kaniyang harem at ang iniisip ko ay ikaw Little Hui ay malungkot ang araw at gabi mo mag-isa
dito sa iyong kwarto."
"Isa kang tukso!"
Sa loob ng kwarto, maririnig mo malalalim na hininga, at isang ungol gawa ng tao ang maririnig mo
galing sa labas at mapupulang tenga.
Nakinig ng tahimik si Lei Chen sa lahat ng iyon, habang lumalapad ang kaniyang nguti, dahan-dahang
umikot ang mga mata patungo sa mukha ng Emperador na narinig din ang lahat.
Ang mukha ng Emperador ay nagkulay berde patungong lila, naka sira ang kamao at nakalitaw ang
berdeng ugat at tila pupok, siguradong sinyales ng sobrang pagkagalit sa pagkatao niya sa mga sandaling
iyon!
Kung lubos na iisipin, ang imperatris na lubos na iginagalang at tinitingala sa mahabang panahon ay
tunay palang nangangalunya at ang higit na kagimbal-gimbal, ito ay nagbunga pa ng isang anak!
Ang emperador pa mismo ang kumukop sa bata na parang sarili niyang anak, kinalinga at minahal niya
sa mahabang panahon!
Labis na pinigil ni Lei Chen ang kaniyang paghalakhak na nagbabadyang sumabog sa kaniyang bibig, mula
sa kaniyang puso.
Ama, ikaw ba ay nasa mabuting pakiramdam ngayon? Ikinatutuwa mo pa ba ang pagkagaling ng aking
ikaapat na kapatid?
Nang may pagpupuyos, biglang sinipa ng Emperador ang mga pinto na nagdulot ng malakas na
pagkalabog!
Ang mga pintong mahigpit na nakasara ay kagyat na bumuyangyang!
Sa loob ng natatagong mga kwarto, habang mahigpit na magkaniig at hubad ng kahit anong kasuotan,
ang dalawa ay nauninagan habang sinasapul ng malakas na sinag ng araw!
Sa biglaang pagkabukas ng mga pinto, nagsisigaw ang Emperatris nang may pagkagimbal at pagkagulat.
Sa kaniyang pagbalik sa ulirat, nakilala niya kung sino ang pumasok, at biglang siyang nanigas na parang
adobe, na parang ang bawat ugat sa kaniyang kalamnan at kasu-kasuan ay nanigas sa sobrang lamig!
"Puta! Isa kang walang hiyang puta!" Ito ang isinigaw ng Emperador na nagpupuyos sa matinding
pagkagalit habang dinuduro ang Emperatris at ang Punong Ministro na magkayapos.