Tinango ni Lei Chen ang kaniyang ulo. "Dahil ayaw ng Biyudang Imperatris na mapagod ako ng sobra at
magsayang ng enerhiya at ng maraming pera. Kung kaya, hindi niya tinanggap ang regalo."
Tumango ang Emperador at nagsalita: Kahit anu pa iyon, baka ang gamot na ito na naiwan sa iyong
tahanan ng matagal ay nakatadhana na ilabas mo para sagipin si Little Fan sa mga oras na ito. Sa nakikita
kong ganiyan kayo, sobra akong nagpapasalamat."
Makikita sa mukha ni Lei Chen ang pagka-marespetuhin ngunit sa puso niya ay tumatawa siya ng
malamig, ngunit kahit maliit na totoong emosyon hindi makikita at matinding pagalala lamang.
"Kamusta na kaya ang kalagayan ng Ika-Apat na Kapatid? Ang anak mo gustong ihatid ang dugo ni Ling
Zhi ng personal at hinihiling na ang Ika-Apat na Kapatid ay gumaling kaagad."
Tumango ang Emperador ng may kontentong ekspresyon sa mukha at sa totoo, ang pagupo ng
mahabang oras sa Silid-Aklatan ng Imperyo ay labis na ikinabahala niya rin. "Total ikaw ay nag-aalala din
ng matindi, sabay tayong pumunta para makita ko din ang iyong Ina kung nakahanap na siya ng
alternatibong solusyon."
"Alternatibong solusyon?" Nagpanggap si Lei Chen na naguguluhan habang tinitignan ang Emperador.
Nagsalita ang Emperador: "Tama iyan. Para mapawalang bisa ang lason sa loob ng katawan ni Lei Fan,
ang dugo ng totoo niyang ama ang kailangan. Nakakaawa at walang kapatid si Little Fan at napakabata
pa niya para magkaroon ng sariling anak, kaya ang pagkuha ng dugo sa akin lang ang gagana. Ngunit ang
batang iyon ay ganun din ang sinabi kagaya ng inyong Ina, tinanggihan na masaktan ang aking katawan
sa ano mang paraan, masakit sa pusong pakinggan sila." Sabi ng Emperador, ang boses ay punong puno
ng emosyon.
Napangiti si Lei Chen ngunit mabilis na tinakpan ito.
"Ang Ika-apat na Kapatid dati ng mapagmahal at sensitibong bata simula pa noon. Natural na aayaw
siyang masaktan ka Ama dahil sa kaniya."
Ang mag-ama ay nag-uusap habang naglalakad, habang binabay-bay ang Palasyo ng Imperatris. Sa oras
na malason si Lei Fan, kalahati ng araw ay lumipas at wala ng natitirang oras sa itinalaga ng Emperador.
Ngunit, ng makarating ang Emperador at si Lei Chen sa Palasyo ng Imperatris, nadiskobre nila ang lahat
ng Manggagamot ng Imperyo ay nasa labas sa halip na ginagamot si Lei Fan ay nakaluhod sila sa labas ng
pintuan.
Mabilis na nagalit ang Emperador at nagsalita: "Kayong mga walang silbi! Anu ang ginagawa ninyo
lumuluhod dito sa labas? Magmadali at gamotin ninyo ang Ika-apat na Prinsipe!"
Ang grupo ng Manggagamot ng Palasyo ay matagal nang nakaluhod sa buong araw at ang kanilang mga
benti at tuhod at masakit at nanghihina. Nang makita nila ang Emperador na papalapit, muntik silang
matumba sa pagkagulat.
"Pag-uulat sayo Kamahalan! Ang Imperatris ay nakahanap na ng paraan para mapawalang lunas ang
Blood of Kin na lason na nakalason na Ika-apat na Prinsipe at ngayon ay isinasagawa ang lunas sa Ikaw-
Apat na Prinsipe. Kaya ay pinalabas niya kami at pinaluhod dito sa labas at maghintay." Isa sa mga
Manggagamot ng Palasyo ang sumagot ng nau-utal.
Ang galit na ekspresyon ng Emperador ay biglang nagbago sa isang pagkalito at pagkatuwa.
"Totoo ba ang iyong sinasabi? Ang Imperatris ay nakahanap ng paraan para malunasan ang Blood of
Kin?"
"Ang iyong mga tapat na mga taga-paglingkod at hindi magtatangkang magsinungaling sa inyo
kamahalan!" Sabay sabay na nagsalita ang mga Manggagamot ng Imperyo habang nakaluhod sa lupa.
Tinignan ni Lei Chen ang palibot ng loob ng Palasyo ng Imperatris at nakita na kahit isa sa mga yunuko or
taga-pagsilbi ng palasyo ay wala. Matinding pagkatuwa ang naramdaman sa kaniyang mga mata at
mabilis na hinarap ang Emperador na mayroong pagkatuwa sa mukha at nagsabi: "Ang Ika-apat na
Kapatid at totoo ngang pinag-pala ng langit. Ang langit ang nadala Ama sa iyong matinding pagmamahal
sa Ika-apat na Kapatid at hinayaan si pinahintulutan si Ina na makahanap kaagad ng lunas."
Maliban sa sobrang pagkatuwa ng Emperador, napagtanto niyang hindi na niya kailangang hiwain ang
sariling kamay para kuhanan ng dugo para masalba ang buhay ng anak, kung kaya't makikita ang
sobrang pagskagalak sa mga mata.
"Bilis! Sundan mo ako at tignan natin si Little Fan kung siya ay umaayos na ang kalagayan." Matinding
pangamba ng Emperador sa mga sandaling iyon at mabilis na sumunod si Lei Chen.
Sobrang sabik na gustong makita kaagad ang kaniyang pinaka-iingatan niyang anak at hindi niya
napansin ng kaonti ang anak na sumusunod sa likod niya, isang mabangis at malamig na titig ang
makikita sa mata niya.
Nagmadali ang Emperador at hindi makapaghintay ng kahit kaonting Segundo at pagdating niya sa pinto
patungo sa Kwarto ng Imperatris. Magtataas palang siya ng ng kamay para buksan ang pinto nang may
narinig siyang boses, boses ng Imperatris.
"Ang rason bakit si Little Fan ay masasalba ay dahil dumating ka sa oras! Kung hindi, hindi ko na alam
ang gagawin ko, kahit kaonting ideya hindi ko alam ang gagawin!"