Chapter 899 - Pagpatay (5)

Sa labas ng pintuan ay makikita ang dugo kahit saan. Ang mga talsik ng pulang dugo ay nasa mga pintuan at bintana, at ang hindi kalakihang tulay ay naliligo sa pulang kulay. Patay ng mga katawan ay nakakalat, nakahiga at hindi gumagalaw na nakahambalang sa buong tulay. Punong-puno ng talsik ng dugo mula sa mga kalaban, si Qiao Chu ay nakatayo sa labas ng pintuan at malaki ang ngiti, ikinaway ang kamay na puro dugo kay Jun Wu Xie!

"Ang mga lalaki sa labas ay…" nakangising simula ni Qiao Chu.

"Labas." nakasimangot ang mukha na sabi ni Jun Wu Xie.

Nanigas si Qiao Chu, ang kumakaway niyang kamay ay nanigas rin at nakabitin sa ere.

Umubo ng bahagya si Ye Sha at sinabi: "Ang ating Young Miss ay hindi gusto ang amoy ng dugo."

Blankong napakurap si Qiao Chu. Hindi niya kailanman napansin ang bagay na iyon.

Hindi pa nakakatulog ng mahimbing si Jun Wu Xie sa buong gabing iyon dahil sa maraming bagay na gumugulo sa kaniyang isip. At ngayon na ang nakakasukang amoy ng dugo ay bumabalot sa kaniyang silid, paano pa siya makakaramdam ng mabuti?

"Dapat siguro ay maligo ka muna Young Master Qiao." Sabi ni Ye Sha habang nakatingin sa mga kamay ni Qiao Chu na nababalot ng dugo.

Nagbalik sa kaniyang diwa si Qiao Chu at tiningnan ang kusot na mukha ni Jun Wu Xie, itinago niya ang kaniyang ulo sa mga balikat at mabilis na nilisan ang silid at isinara ang pintuan sa likod niya.

Sinusubukan maghanap ni Fei Yan at ng mga kasama ng pagkakakilanlan sa bangkay ng mga mamatay tao nang pumasok ang nagmamadali na si Qiao Chu, tiningnan nila ito na may pagtataka sa kanilang mga mata.

"Bakit ka nagbalik dito?" tanong ni Fei Yan.

Sinuring mabuti ni Qiao Chu ang kaniyang mga kasama na hindi gaanong nabalot ng dugo at malungkot na nagsalita: "Iminumungkahi ko sa inyonh lahat na maligo muna at magpalit ng mga kasuotan bago magpunta kay Little Xie. At… sabihan ang tagapangasiwa na magpadala ng mga tao dito upang malinis ang daanan dito. Kung... mayroon pang natitirang nabubuhay dito."

Nagtungo sa unanag palapag si Rong Ruo upang tingnan ang lugar at kaniyang nakita na ang serbidor na nagtatrabaho sa gabi ay hindi na humihinga.

May pagtatakang nagpalitan ng tingin si Fei Yan at Hua Yao. Bagaman hindi nila maintindihan kung bakit sinasabi iyon ni Qiao Chu dahil alam nila ang tungkol doon at hindi na kailangan siyasatin pa.

Dalawang serbidor ang namatay sa Immortal's Loft ng gabing iyon at lahat ng tao na mahimbing na natutulog ay nakaligtas sa panganib. Nang magising ang tagapangasiwa dahil sa sumisigaw na si Qiao Chu ay hindi pa niya alintana lahat ng kaganapan. Ngunit nang dinala siya ni Qiao Chu sa mga bangkay na naroon, ang kanina na agaw-tulog na tagapangasiwa ay biglang nagising.

Sa kabila ng gulat at kilabot na kaniyang nararamdaman, ay nanginginig siyang nag-utos sa mga tauhan na linisin ang buong Immortal's Loft, at ang bangkay ng mga dark robed men ay inalis at pinagsama-sama sa likod ng bakuran.

Matapos maglinis at makapagbihis ni Qiao Chu at ng mga kasama, si Jun Wu Xie ay kasalukuyan nang nakaupo sa bulwagan sa ikalawang palapag at si Ye Sha ay tangan ang nag-iisang nakaligtas na dark robed men habang nakatayo sa isang sulok.

"Saan nagmula ang mga taong ito? Lahat sila ay nagtataglay ng kakaibang lakas at ang pinakamahina sa kanila ay nasa antas ng green spirit at dalawa sa kanila ay indigo spirits." Sabi ni Qiao Chu habang siya ay paupo sa upuan, nilingon niya ang bahagyang buhay na dark robed man.

Dagdag ni Fei Yan: "Siniyasat ko ang mga katawan kanina at wala akong nakitang kahit ano na makapagpapatunay o makapagtuturo man lang sa kanilang pagkakakilanlan. Tila ang taong nagpadala sa kanila dito ay naghanda."

"May isiniwalat na ba ang lalaking ito?" tanong ni Rong Ruo habang tinitingnan niya ang hindi gumagalaw na lalaki na hawak ni Ye Sha.

Umiling si Ye Sha at inabot niya ang ulo ng dark robed man upang itaas iyon.

Nang maiangat ang kaniyang ulo, nakita ng magkakasama na ang panga ng dark robed man ay tinanggal ni Ye Sha at ang bibig ng lalaki ngayon ay nakanganga at hindi na makagawa ng kahit anong tunog.

"Ito ay…" tanong ni Qiao Chu, nagtataka siyang nakatitig sa lalaki.

"Nais niyang patayin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagkagat sa kaniyang dila." Sabi ni Jun Wu Xie.

Ang dark robed man ay may mapusok nap ag-uugali at dahil sa alam niyang nabigo siya sa kaniyang misyon, ay hindi siya pumiglas o nagmakaawa man lang imbis ay sinubukan niyang kitilin ang sariling buhay.

Related Books

Popular novel hashtag