Mabuti na lamang at nakita agad ni Ye Sha iyon kaya mabilis niyang inalis sa ayos ang panga nito upang imposible dito na kagatin ang sarili nitong dila, matiim niya itong tiningnan kaya imposible na magpakamatay ito.
"Isang mabagsik na nilalang, tama ba?" naglakad si Qiao Chu palapit at tinitigan ang dark robed man. Ang lalaki ay karaniwan lamang ang hitsura ngunit bakas sa mata nito ang matinding determinasyon.
"Kung ibabalik ko sa ayos ang kaniyang panga ay madali niyang mapapaslang ang sarili." sabi ni Ye Sha na salubong ang kilay. Ang walang kapantay na katapatan sa kaniyang pinagsisilbihan, isang asal na alam niya mismo sa kaniyang sarili.
Naglabas ni Jun Wu Xie ng elixir mula sa kaniyang kasuotan at inabot iyon kay Qiao Chu.
"Ipainom mo ito sa kaniya."
Biglang nanginig si Qiao Chu nang makita ang elixir. Bagama't hindi niya alam kung ano ang epekto ng mga elixir ngunit sa mga elixir na ibinigay ni Jun Wu Xie, nagawa ba ng mga iyon na ayusin ang pakiramdam ng kaniyang mga kaaway?
"Hay, aanihin mo kung ano ang iyong itinanim." naaawang sabi ni Qiao Chu habang pilit pinapainom ang elixir sa dark robed man. Napasimangot ang mukha ng dark robed man nang subukan nitong magpumiglas ngunit hindi niya mapapantayan ang lakas ni Ye Sha na humahawak sa kaniya.
Nilunok ng dark robed man ang elixir, at matapos ang ilang sandali ay bahagyang tumango si Jun Wu Xie kay Ye Sha kung saan si Ye Sha naman ay inayos muli ang panga ng dark robed man.
Nang mapagtanto niya na naigagalaw na niyang muli ang kaniyang panga, ang lalaki ay sinubukan ulit na kagatin ang kaniyang dila upang patayin ang sarili.
Ngunit, nang dumantay ang ngipin nito sa kaniyang dila, isang nakakapangilabot na sakit ang naramdaman niyang dumaloy sa kaniyang mga ugat. Nang mga sandaling iyon, malamig na pawis ang tumulo mula sa kaniyang noo, at bigla ay namutla ang kaniyang mukha! Ang buong katawan niya ay nagsimulang manginig.
"Gusto mong patayin ang iyong sarili? Sige gawin mo." hindi tinitingnan ni Jun Wu Xie ang lalaki nang sabihin kay Ye Sha: "Pakawalan mo siya."
Binitawan ito ni Ye Sha at ang lalaki ay nahulog sa lupa nang nawala ang suporta ni Ye Sha!
Ngunit sa sandaling nahulog ang kaniyang katawan sa lupa, isang matinding sakit ang sumira sa buong katawan niya. Ang hindi mailarawan na sakit ay parang dumudurog sa mga buto ng kaniyang katawan at ang kaniyang balat ay parang napupunit.
Gaano man katibay ang kaniyang kalooban, sa ilalim ng matindi at nakakabaliw na pagpapahirap, ang lalaki ay nasiraan ng loob, luha at uhog ay dumadaloy at ang kaniyang mukha ay tila sa isang bangkay dahil sa puti.
Pinanood ni Qiao Chu ang dark robed man na ngayon ay umiiyak at nanginginig samantalang kanina lamang ay matindi ang determinasyon at matapang, siya ay lumingon kay Jun Wu Xie at may pagtatakang nagtanong: "Little Xie, ano ang ipinainom ko sa kaniya? Bakit siya ay…"
[Bakita siya ay namimilipt sa sobrang sakit sa bahagyang galaw lamang na ginagawa niya?]
Sumagot si Jun Wu Xie: "Ang pandamdam ng katawan ng isang tao ay naiiba. Ang ibang tao ay nakakaramdam ng matinding sakit sa pagkudkod lamang ng kanilang balat samantalang sa iba ay walang sakit iyon kahit pa sugatan mo ang kanilang balat hanggang sa buto. Dahil iyon sa antas ng pagiging sensitibo ng mga ugat na nagdadala ng pakiramdam ng sakit at ang antas ng lakas nito. Ang lalaking ito ay may matinding lakas at nais ko makita kung ang tinatawag niyang katapatan ay kaya niyang pangatawanan sa ilalim ng matinding sakit. Ang elixir na iyon ay nagdulot sa mga ugat na magdala ng sakit sa kaniyang katawan na hindi nito kakayanin, at kahit na ang bahagya at magaan na paghipo ay magdudulot sa kaniya nang sakit na para bang nadudurog ang kaniyang buto at napupunit ang balat."
Nanlaki sa takot ang mata ni Qiao Chu. Bagama't hindi niya lubusang naiintindihan ang tungkol sa ugat na nagdadala ng sakit, ngunit… ang makita lamang ang rekasyon ng dark robed man ay sapat na para masabi niya na ang elixir ni Jun Wu Xie, kahit na hindi kakaiba ang hitsura sa panlabas ngunit ang epekto… ay talagang nakakagulat.
Isang magaan na paghipo, sa bahagyang pagkiskis sa balat, sa mga sandaling iyon ay isang matinding sakit na parang may nagkukudkod ng isang magspang na kikil upang kayurin ang iyong balat.
Hindi man lang kailangan ni Jun Wu Xie na gumawa ng kahit ano sa lalaki. Sa bawat galaw na bahagyang ginagawa ng lalaki iyon ay isang walang hanggan na pahirap para sa kaniya.
Sa ilalim ng hindi kapani-paniwalang pagpapahirap, hindi na kailangan pa na kagatin niya ang dila upang patayin ang sarili. Ang isang paghipo sa kaniyang dila na naramdaman nito kanina ay katumbas ng hindi mabilang na sakit kumpara sa pagkagat ng dila nito upang patayin ang sarili. Gaano man kalakas ang kaniyang determinasyon, ay hindi niya kakayanin ang pagpapahirap na tulad nito.