Chapter 898 - Pagpatay (4)

Sa sandaling ang patalim ng dark robed man ay itatarak diretso sa lalamunan ni Jun Wu Xie, ang green spirit na liwanag na bumabalot sa kaniyang katawan ay boiglang napalitan ng nakakatakot na purple!

Sa isang iglap, ang liwang ng Purple Spirit ay kumalat sa buong katawan ni Jun Wu Xie. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at wala sa loob na hinawakan ang patalim at itinulak iyon papunta sa kaniya. Dahil sa spirit power na nakapalibot sa kaniyang kamay, hindi siya natatakot sa talim ng espada. Nang makita ng dark robed man ang nakakabulag na liwanag ng Purple Spirit na bumabalot kay Jun Xie, ang kaniyang mata ay nanlaki dahil sa mangha at hindi paniniwala. Bago pa siya makahuma sa gulat, ay malakas na hinatak ni Jun Wu Xie ang espada, at puwersahang hinila ang dark robed man palapit sa kaniya at isang malakas na tira mula sa palad ang kaniyang pinakawalan, tinamaan diretso sa dibdib ang dark robed man!

Isang malakas na palahaw ang namutawi sa bibig ng dark robed man, ang kaniyang katawan ay tumilapon sa ere at humagis sa aparador na nasa silid, na naging dahilan sa pagkawasak ng aparador. Bumagsak siya sa lupa at hindi na nagawa pang makatayong muli.

Pakiramdam niya ang mga buto sa kaniyang katawan ay nadurog at ang dark robed man ay nanatiling nakahiga sa lupa habang hirap na hirap na inaangat ang kaniyang ulo, matindi ang gulat na nakatingin sa maliwanag na Purple Spirit na nagniningning sa buong katawan ng bata sa kaniyang harapan.

"Purple Spirit… paanong naging Purple Spirit…" ni sa kaniyang bangungot ay hindi niya naisip na ang kanilang papatayin ngayong gabi ay isa pa lang Purple Spirit!

[Paano nangyari ito? Ang batang ito na sa buong Spirit Battle Tournament ay ipinakita lamang ang kaniyang kapangyarihan bilang green spirit!

Isang labinlimang taong gulang na green spirit ay hindi na kapani-paniwala. At kung pag-uusapan ang pagtaas ng antas ng spirit power upang maging Purple Spirit…

Hindi makapaniwala ang dark robed man na mayroong isang abot-langit na nilalang na nabubuhay.

Ngunit ang liwanag ng Purple Spirit sa buong katawan ni Jun Xie ay nakakabulag, at isa iyong katotohanan na hindi niya maitatanggi kahit pa gustuhin niya.

Ang pagkakaroon niya ng indigo spirit, naisip niyang magagawa niyang patumbahin ang green spirit na si Jun Xie sa isang tira lamang. Hindi niya naisip na si Jun Xie ay biglang magtataas ng kaniyang kapangyarihan sa antas ng Purple Spirit!

Bagaman isang antas lamang ang pinagkaiba ng indigo spirit at Purple Spirit, ngunit ang nag-iisang pagkakaiba ng mga iyon ay napakalayo at hindi mabilang na mga tao na ang nabigo na tawirin iyon kahit pa sabihing inubos nila ang buong buhay nila na subukin iyon!

Maya-maya pa, napatahimik na ni Ye Sha ang iba pang dark robed men. Nakakalat sa buong sahig ay walang iba kundi ang mga walang buhay na katawan. At sa lahat ng mga patay na katawan na naroon wala ni isa man ang may sugat. Bagaman isang mabangis na labanan ang nangyari doon at siyam na buhay ang nawala, wala ni konting amoy ng dugo na maaamoy sa silid ni Jun Wu Xie.

Tumayo sa tabi ni Jun Wu Xie si Ye Sha, ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang tagiliran.

"Hindi na masama." pinasadahan ni Jun Wu Xie ang malinis at hindi namantsahang sahig. Tila nakikila na siya ni Ye Sha. Dahil alam nitong hindi niya gusto ang amoy ng dugo kaya naman pinaslang niya ang mga lalaki na wala ni isang patak ng dugo na umagos.

Kaya ni Ye Sha na kitlin ang mga iyon sa ilang segundo lamang, ngunit upang hindi madumihan ang silid ni Jun Wu Xie, kailangan niya ng dagdag na sikap upang hindi mabahiran ng mabaho at nakakahilong amoy ng dugo ang silid.

"Utos ni Young Master Wu Yao at hindi iyon dapat kalimutan ng inyong lingkod." mababa ang boses na sabi ni Ye Sha. Kahit sa ganoong sitwasyon, hindi kailanaman niya nakakalimutan na tulungan ang kaniyang Lord na iparating ang presensiya nito sa Young Miss.

Isang kakaibang tingin ang bumakas sa mga mata ni Jun Wu Xie ng ilang sandali ngunit saglit lamang iyon bago ito nagbalik sa normal.

"Humayo ka at paslangin ang iba pa na nasa labas ng pintuan." saad ni Jun Wu XIe, ang mata niya ay nakatingin sa dark robed men na nasa sahig at hindi na kayang gumalaw pa.

Ngunit sumagot si Ye Sha: "Ang mga lalaki sa labas, naniniwala akong hindi ko na kailangan pa gumawa ng kahit ano."

Kakarinig pa lamang niya sa sinabi ni Ye Sha nang magbukas ang pintuan ni Jun Wu Xie mula sa labas. At dahil sa malaking pagkakabukas ng pintuan, ang amoy ng dugo ay pumasok sa loob ng silid at ang kilay ni Jun Wu Xie ay nagsalubong.