Noong una ay hindi gaanong naaapektuhan si Jun Wu Xie. Ngunit ngayon ay hindi niya na iyon mapapalagpas.
"Ehem, anong gagawin natin sa katawan?" Tanong ni Qiao Chu. Sa isip nito ay pinagsisindi niya ng kandila ang Emperor ng Yan Country. Wala man siyang gaanong alam pero nalaman niya kay Fei Yan na kasangkot si Jun Wu Xie sa pagpapalit ng raehime sa Qi Kingdom.
Isang Qi Kingdom, isang Qing Yun Clan at idagdag pa ang Zephyr Academy. Ang mga pambihirang nagawa ni Jun Wu Xie ay sadyang kamangha-mangha at hindi malayong mabibilang ang Emperor ng Yan Country sa "achievement portfolio" ni Jun Wu Xie.
Isang puting porcelain bottle ang inihagis ni Jun Wu Xie kay Qiao Chu.
"Ibudbod mo sa katawan niya."
Tumango si Qiao Chu at ginawa na ang sinabi ni Jun Wu Xie. Saglit lang ang lumipas at nagsimula nang maagnas ang katawan ni Zhao Xun. Maging ang mga buto nito ay hindi pinalampas. Kumuha ng isang palanggana ng tubig si Jun Wu Xie at ibinuhos sa naagnas na katawan upang palisin ang bakas.
Nang tuluyan nang mawala ang katawan ni Zhao Xun, kumuha si Hua Yao ng uniporme ni Zhao Xun pagkatapos ay umalis.
Kinaumugahan, nagsimula na ang Spirit Battle Tournament. Maagang nagsitungo ang mga disipulo sa mga arena. Mayroon pang tatlong disipulong natira sa Hua Wan Academy ang nakaabot sa round na ito. Naghintay ang tatlong iyon kay Zhao Xun ngunit hindi pa rin ito nagpapakita sa kanila. Nagpunta ang mga ito sa silid ni Zhao Xun ngunit walang sumagot. Naalala nilang malalim na ang gabi nang bumalik si Zhao Xun at sinabi nitong hindi ito sasali sa kompetisyon ngayon. Naalala rin nila kung sino ang makakalaban ni Zhao Xun kaya naman umalis na lang.
Naisip nilang baka tinanggap na nga ni Zhao Xun ang inalok ng Crown Prince at sumuko na lang sa tournament.
Hindi na bago ang sitwasyong iyon.
Nabawasan na ang bilang ng mga tao ngaqayon kumpara sa first battle district. Mas maluwag na ngayon kumpara noong una. Nagwawarm-up ang mga kabataang maagang dumating doon.
Nang dumating ang maliit na lalaki sa Arena ay agad na natahimik ang mga tao. Lahat sila ay nakatitig sa bagong dating.
"Bakit siya naririto?" Mapangkutya ang mga tinging ibinigay nila kay Jun Wu Xie na naglalakad papasok ng arena. Simula nang magsimula ang tournament ay hindi pa ito nakikipaglaban dahil lahat ng mga makakalaban nito ay hindi sumisipot. Kaya naman galit dito ang mga disipulong naghihirap para lang makaabot sa round na ito.
"Nagkukunyari lang ba siya? Alam naman niyang hindi niya kailangang makipaglaban."
"Hindi ba't si Zhao Xun ang makakalaban niya ngayong araw?"
"Tama. Nag-iinom kami ni Zhao Xun kagabi at sinabi na niya sa akin na hindi siya sisipot ngayon. Kahit na hindi mo na isipin ng mabuti, alam mo nang may isang nag-umiyak sa Crown Prince para suhulan ng Crown Prince ang kaniyang makakalaban. Napakaswerte! Hindi ko maatim ang ganoon!" Malakas na bulong-bulungan ng mga kabataan. May mga naiinggit kay Jun Wu Xie at mayroon ding nagagalit sa kaniya.
Sa gitna ng mga taong iyon, naroon si Qu Ling Yue na nakasimangot. Nag-aalala itong nakatingin kay Jun Xie na marahang naglalakad papasok ng arena.