Hindi pa man nagsisimula ang laban at na kay Jun Wu Xie na ang atensyon ng lahat. Lahat ng pares ng mga matang naroon ay sa kaniya nakatuon habang ito ay naglalakad. Animo'y hindi ito apektado sa mga masasamang titig na natatanggap nito.
"May mga tao talagang ipinanganak na maswerte. Kahit na wala silang gawin, at wala silang alam, mayroon at mayroong sasagip sa kanila. Hindi katulad natin na kailangan nating maghirap at itaya ang ating buhay para lang makarating dito." Puno ng inggit ang kanilang mga pananalita. Isa iyong bulong ngunit sapat na para marinig ng mga taong nakapalibot sa kanila. Sumang-ayon naman ang mga nakarinig noon.
Nag-iingat pa rin ang mga disipulong iyon na huwag makarating kay Jun Wu Xie ang kanilang usapan. Natatakot pa rin sila para sa kanilang mga sarili dahil ang isang disipulong pinatay ay may kaugnayan kay Jun Wu Xie. Takot din sila sa kapangyarihan at kakayahan ng posisyon ni Lei Chen. Ngunit ang takot na iyon ay mas nagdagdag lang din ng inggit na kanilang nararamdaman.
Nagsimula na ang tournament. Simula ng oras na iyon ay hindi na natigil ang ingay na gawa ng mga laban. Pinaghuhusayan ng mga disipulo ang kanilang pakikipaglaban dahil sa paghahangad na sila ay magkaroon ng spot sa pagtatapos ng tournament.
"Miss Qu, hindi ba't parang sumusobra naman ang batang yan? Ang lakas ng loob niyang magpunta dito matapos ng ginawa niya." Isang binatang taga War Banner Academy ang tumayo sa tabi ni Qu Lung Yue.
Sa first battle district, matindi ang kanilang pinagdaanan. Nangingibabaw ang husay na kanilang ipinakita. Si Qu Ling Yue ang itinanyag na pinakamalakas sa kanilang lahat sa first battle district. Hindi lang top disciple si Qu Ling Yue sa War Banner Academy, siya rin ang Young Miss ng Thousand Beast City.
Natural na lang na maging paborito si Qu Ling Yue sa first battle district. Subalit bukod kay Qu Ling Yue, mayroon pang isa sa first battle district ang nagkaroon ng tsansa na makapasok sa top ten rank at iyon ay walang iba kundi si Jun Wu Xie.
Tumingin lang si Qu Ling Yue sa lalaki at hindi sumagot.
Hindi naman sumuko ang binata na makipag-usap kay Qu Ling Yue. "Ang mga bagay na ito ay ilegal, sa mga nakapalibot sa kaniya, nalabag na nito ang Spirit Battle Tournament rules. Pero naniniwala akong hindi mo hahayaan Miss Qu ang ganitong paraan."
Bukod kay Qu Ling Yue, sa buong first battle district walang ibang kayang sumalungat sa Crown Prince. Lahat ng naroon ay lihim na hinihiling na makatapat ni Qu Ling Yue si Jun Wu Xie sa lalong madaling panahon. Kapag matalo na siya ni Qu Ling Yue ay mapapalagay na silang lahat.
TUmikhim lang si Qu Ling Yue. Ayaw nitong sumagot sa lalaki. Bahagya itong lumayo sa lalaki at napako ang tingin kay Jun Xie, ang kaniyang mga mata ay napuno ng agam-agam at pag-aalala.
Sunod-sunod ang laban at di magtatagal ay oras na ni Jun Wu Xie. Walang naniniwalang tutungo sa entablado si Jun Xie at makikipaglaban. Inilibot ng lahat ang kanilang paningin at hinahanap ang presensiya ni Zhao Xun ngunit nabigo sila.
[Gaya ng inaasahan, nangyari nanaman!]
Tumungo si Jun Wu Xie. Nang marinig niya ang kaniyang pangalan ay tumayo siya at naglakad papunta sa gitna ng battle stage.