Magtatanong ako sa huloing pagkakataon. Lahat ba kayo ay desididong tulungan ako?" tanong ni Lei Chen, mukhang kinakabahan habang naghihintay ng sagot mula sa mga disipulo ng Zephyr Academy.
Tumango si Jun Wu Xie.
Si Lei Chen ay sumalampak ng upo sa silya at huminga ng malalim para makakuha ng hangin. Hindi niya malaman kung dahil bas a sobrang pagkabalisa o dahil sa may mabigat na bata ang natanggal sa kaniyang puso. Hindi siya nagmadala na magsalita at nagpatuloy sa pagtitig kay Jun Wu Xie, Hua Yao at sa iba pang kasamahan nito, tinitingnan kung gaano kaseryoso ang mga kasamahan nito.
Kahit na ang mga disipulong ito ay importante sa kaniya, iniisip niya pa din kung mapagkakatiwalaan niya ang mga ito.
"Dahil kilala na ni little brother Jun kung sino ang nasa likod nito, hindi na ako magtataka kung kilala niyo ng lahat kung sino nga iyon. Malinaw sa inyo na kahit ako ang tagapagmanang prinsipe, ako ay isang batang ginamit lang din at minanipula. Kung ang pagbabasehan ay ang titulo at posisyon, ako ay mababa kumpara sa kaniya. Kung may gustong makuha ka mula sa akin little brother Jun, siguradong higit ang kakayanan niya na maibigay sa iyo ang iyong kailangan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, tutulungan niyo pa rin ba ako?" tanong ni Lei Chen, ang mga mata ay nakatuon kay Jun Wu Xie. Nakikita niya na sa kanilang lahat, si Jun Wu Xie na siyang pinakabata ang namumuno sa pangkat na ito.
Ang tono ng boses ni Lei Chen ay nag-iba, nabawasan na rin ng ngiti ang kaniyang mga labi at napalitan ng seryosong mukha.
Lumaki ang mga mata ni Qiao Chu sa gulat dahil sa mga sinabi nito.
[Kilala na ni Jun Wu Xie kung sino ang tao sa likod ng paninira sa tagapagmanang prinsipe? Paanong kahit isa sa kanila ay walang nakakaalam nito?]
Puno ng pagtataka ang mga mata ni Qiao Chu nang lumipat ang tingin nit okay Jun Xie at si Jun Wu Xie ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Inisip ng mabuti ni Qiao Chu ngunit hindi niya maalala na may nabanggit si Jun Wu Xie tungkol sa katauhan ng salarin!
Ibubuka pa lamang niya ang kaniyan g bibig upang m agtanong kay Hua Yao ng bigla siyang pinandilatan ng mata bago umiwas ng tingin sa kaniya.
"Hindi ko kinokontra ang sino man kunghindi nama ko nito ginagawan ng masama. Ang katotohanan ay ang Zephyr Academy ay walang dahlia para tulungan ka kamahalan at wala kaming kinakatakutan. Ang pakikianib nimin sa iyo ngayon ay dahil ang inyong kalaban ay ginamit ang Zephyr Academy upang gumawa ng gulo. At kahit hindi na katulad ng dati ang reputasyon ng Zephyr Academy, hindi naming hahayaan na gamitin kaming kasangkapan manipulahinpara sa ikakasira ng iba." Saad ni Jun Wu Xie at malamig na tumawa pagkatapos.
Tumitig si Lei Chen kay Jun Wu Xie. Totoo nga nab ago ang kahapon, hindi siya binigyan ng pansin ngunit matapos ang insidenteng iyon, sila na mismo ang pumunta sa knaiya at kumausap.
"Kung gayon, tanggapin mo ang aking pagyukod tanda ng pagpapasalamat!" Tumayo si Lei Chen at walang salita, yumukod siya hanggang kapantay niya na ang kaniyang bewang kay Jun Xie at sa iba pa.
Ang pagyukod ng tagapagmanang prinsipe ay tanda ng respeto at pagpapakumbaba ngunit walang ekspresyon pa ding mababakas kay Jun Wu Xie bagamat tinanggap ang pagpapasalamat.
"Hinihiling ko na maghintay ng ilang sandal ang aking mga panauhin. Mayroon lamang akong bagay na ipapakita sa inyo." Mabilis na lumisan si Lei Chen sa komedor.
Pagkaalis ni Lei Chen, hindi na napigilan ni Qiao Chu ang sarili at hinarap si Jun Wu Xie at nagtanong, "Little Xie! Sino ang tao sa likod nito? At paano mo nalaman?"
Marahang inabot ni Jun Xie ang kaniyang tasa ng tsa at dahan-dahang sumimsim mula rito bago nagsalita, "Hindi ko alam."
"Huh?!" si Qiao Chu ay walang maisip na sabihin.
[Hindi niya kilala?!]
"Pinapaniwala ko lang siya." Tugon ni Jun Wu Xie at kalmanteng tiningnan si Qiao Chu.
"…" [Pinapaniwal…] ang mga mata ni Qiao Chu ay nanatiling nakatitig sa kay Jun Xie, nanlalaki at hindi pa rin makapaniwala. Lahat ng mga katagang binitawan ni Jun Xie kanina ay kapanipaniwala na totoong may alam nga si Jun Wu Xie. Kahit siya ay namapniwala…
[pinapaniwala niya lamang si Lei Chen?]
"Kung… ganoon..." nautal si Qiao Chu.
Alam ni Jun Wu Xie kung ano ang gustong itanong ni Qiao Chu kaya sinagot niya na ito ng diretso, "Maaring ang emperador o ang ikaapat na prinsipe. Para maniwala si Lei Chen na totoong tutulungan natin siya, kailangan na isipin niyang kilala natin ang salarin at wala tayong pakialam sa kaniyang titulo at posisyon bago siya tuluyang makukumbinse."