"Paano mo nalaman na maaring ang emperador o ang ikaapat na prinsipe? Ang emperador… ay ama pa rin ni Lei Chen. Kahit pa baka may ibang nasa isip si Lei Chen tungkol dito, pero nanatili pa rin siya sa pagiging tagapagmanang prinisipe at mukhang maayos niya namang nagagampanan ito. Bakit gagawin ng emperador ito… sa kaniya?" sa tingin ni Qiao Chu nasobrahan na sa pag-iisip ang kaniyang utak.
Sandali na tumigil si Jun Wu Xie bago nagtanong, "Kilala niyo ba kung sino ang emperador ng Qi Kingdom ngayon?"
Nag-isip si Qiao Chu bago sumagot, "Oo, alam ko. Hindi ba siya ang dating tagapagmanang prinsipe?" At si Jun Wu Xie ang Young Miss ng Lin Palace ng Qi Kingdom. Kahit si Qiao Chu ay may narinig na tungkol sa Qi Kingdom.
"Kung gayon, alam mo ban a habang siya ang tagapagmanang prinsipe, ang pamilya sa kaniyang ina pinatay ng emperador?" dagdag na tanong ni Jun WU Xie.
"Paano nangyari iyon?" malaki ang mata ni Qiao Chu at patuloy na nagtanong.
"Walang imposible tungkol diyan." Walang kahit na anong ekspresyon pa din ang mababakas sa mukha ni Jun Xie, tila nagkukwento ito ng kwentong hindi siya kasali. "Ang emperador ay hindi gusto ang tagapagmanang prinsipe kaya gumawa ito ng paraan para ang pangalawang prinsipe ang maging tagapagmana. Ngunit dahil mas inalala nito ang sarilig reputasyon, hindi niya magawang alisin ito bilang tagapagmana ng hindi masisira ang kaniyang pangalan kaya nag-isip siya ng ibang paraan. Habang dahan-dahan niyang tinutulak sa kamatayan ang tagapagmanang prinsipe, sinira niya rin ang pangalan nito sa sambayanan habang iniluluklok niya pataas ang pangalawang prinsipe sa trono. Kung hindi lang dahil sa hindi inaasahang pangyayari, iba sana ang emperador ng Qi Kingdom sa kasalukuyan."
Ang kumplikadong sikreto sa loob ng Imperial Harem. Iyan ang unang pagkakataon para kay Qiao Chu at maging sa iba pa niyang ksamahan na makarinig ng ganoong kwento. At kahit mukhang kalmante at tila walang pakialam si Jun Wu Xie, nabigla pa rin sila sa mga narinig.
"Bilang tagapagmanang prinsipe… kinailangan niyang patuloy na mamuhay sa pighati?" iniisip niya pa lamang ito, hindi na mapigilan ni Qiao Chu na malungkot dahil sa sinapit ng kasalukuyang emperador ng Qi Kingdom!
Tiningnan ni Fan Zhuo si Jun Wu Xie, "Iniisip mo bang ang sitwasyon ni Lei Chen ngayon ay katulad ng sinapit ng kasalukuyang emperador ng Qi Kingdom?"
Marahang tumango si Jun Wu Xie. "Hindi ako sigurado sa umpisa, ngunit nakumpirma ko ito kahapon. Ang Spirit Battle Tournament ngayong taon ay isang patibong na ginawa ng emperador ng Yan Country para matanggal sa pwesto ang kasalukuyang tagapagmanang prinsipe."
"Ngunit bakit niya kailangang gawin ito? Ang emperador ay may apat na anak at maliban sa tagapagmanang prinsipe ay ang pngalawang pirinsipe na tanga, ang pangatlo ay tahimik at mahina habng ang pang-apat na prinsipe ay napakabata pa. Dagdag pa dito, si Lei Chen at ang pang-apat na prinsipe ay parehong lumaki sa pangangalaga ng emperatris na siyang totoong ina rin ni Lei Chen samantlang ang pang-apat na prinsipoe ay anak niya sa ibang babae. At kung titingnan ang kwalipikasyon ng apat niyang anak na nababagay para maging tagapagmanang prinsipe maliban kay Lei Chen, hindi na papasa ang mga ito.
"Hindi madaling mailipat sa iba ang pagiging tagapagmana sa trono at sa oras na handa na nag lahat, ang ikaapat na prinsipe ay nasa tamang gulang na. At sa panahon ding iyon, ang kasalukuyang tagapagmanang prinsipe ay nasira na ang pangalan, iyon ang tamang panahon para maipalit sa pwesto ang pang-apat na prinsipe." Saad ni Jun Wu Xie.
"Pang-apat na prinsipe? Sa tingin mo siya nga talaga iyon?" tanong naman ni Hua Yao, magkasalubong ang mga kilay nito.
Tumango si Jun Wu Xie. "At sa tingin ko alam din ito ni Lei Chen dahil kung hindi, hindi niya ito iiwasan."
Dahil lamang nasa loob ng palasyo ng kaniyang ina ang ikaapat na prinsipe, hindi ginusto ni Lei Chen tumuloy upang batiin ang ina para lang maiwasan ang ikaapat na prinsipe. Ang pamilya ng emperatris ng Yan Country ay mataas at prominente. Si Lei Chen ay biolohikal na anak ng emperatris, kung kaya paano naging posible na pumayag ang emperatris na saktan ang kaniyang sariling anak at hindi magsalita tungkol dito?"muling tanonng ni Fan Zhuo na pinipilit pa ring punan ang mga kulang na detalye sa kwento.